Sa unang Linggo ng Cuaresma (A), ang salaysay ni Mateo tungkol sa panunukso ni Satanas kay Jesus ay ginamit sa liturhiya para ipaalala sa atin ang ating isinumpa noong tayo’y binyagan. Sa ating binyag, isinumpa nating tatalikdan natin si Satanas, ang kanyang mga gawa at mga kasinungalingan. Sa madaling sabi’y maliliit pa lamang tayo nang umpisahan natin ang pakikipaglaban kay Satanas. Ito ang dahilan kung bakit ang lahat ng mga binyagan na kasama sa Iglesyang Naglalakbay ay tinatawag din na Iglesya Militante, ang Iglesyang Palaban sa Kasalanan. Kung tutuusin, pinagwagian na ni Jesus ang labanang ito. Ang kailangan na lamang nating gawin ay akuin ang kanyang pagwawagi.

Ang Teksto

1 Pagkatapos, si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. 2 Siya’y nag-ayuno sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi kaya’t siya’y nagutom. 3 Dumating ang diyablo at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mo ngang tinapay ang mga batong ito.” 4 Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat,

‘Ang tao’y hindi lamang sa tinapay nabubuhay,
kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’ “

5 Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na lunsod, at pinatayo sa taluktok ng Templo. 6 Sinabi nito sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat,

‘Sa kanyang mga anghel, ika’y itatagubilin,
at sa kanilang mga kamay, ika’y aalalayan,
nang sa mga bato, paa mo’y hindi masasaktan.’ “

7 Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos.’ “

8 Pagkatapos, dinala naman siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig at ang kapangyarihan ng mga ito. 9 Sinabi ng diyablo sa kanya, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin.”

10 Kaya’t sumagot si Jesus, “Lumayas ka Satanas! Sapagkat nasusulat,

‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sasambahin.
At siya lamang ang dapat mong paglilingkuran.’”

11 Pagkatapos, iniwan na siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel at siya’y pinaglingkuran nila.



Mga Tanong Tungkol sa Teksto

  1. Kailan dinala ng Espiritu si Jesus sa disyerto?
  2. Nuong si Jesus ay bautismuhan ni Juan, paano siya ipinakilala ng tinig mula sa langit?
  3. Ano ang dahilan at dinala ng Espiritu si Jesus sa disyerto?
  4. Sa Bibliya, masama ba si Satanas?
  5. Ano ang nais mapatunayan ni Satanas nang sabihan niya si Jesus na gawing tinapay ang mga bato?
  6. Mabubusog ba si Jesus kung ang mga bato sa disyerto ay maging tinapay?
  7. Isang tao lang ba ang mabubusog ng mga batong magiging tinapay?
  8. Kung makakabusog si Jesus ng maraming tao, makikilala ba agad siya?
  9. Ano ang tugon ni Jesus kay Satanas?
  10. Hindi ba kaya ni Jesus na busugin ang marami kung gugustuhin niya?
  11. Ano ang nais mapatunayan ni Satanas nang sabihan niya si Jesus na magpatihulog mula sa taluktok ng Templo?
  12. Meron bang isang yugto sa buhay ni Jesus kung saan naramdaman niya ang kawalan ng Ama sa langit?
  13. Kung si Jesus ay magpapatihulog at hindi mapipinsala, makikilala ba agad siya?
  14. Sa ikatlong pagkakataon ano ang sinabi ni Satanas kay Jesus?
  15. Totoo bang ang lahat ng mga kaharian at kapangyarihan ay si Satanas ang makapagbibigay?
  16. Natanggap din ba ni Jesus ang lahat ng kapangyarihan at paghahari? Kailan nangyari ito?
  17. Nang umalis ang diyablo, naiwan bang ganap na nag-iisa si Jesus?

Para sa Mas Malalim na Pag-unawa

1. Paghambingin ang mga salaysay tungkol sa pagtukso kay Jesus na matatagpuan sa Markos 1:12-13 at Lukas 4:1-13 sa Mateo 4:1-11. Ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba?

2. Si Jesus ay sinubok ng tatlong beses ni Satanas, ang kabuuan ng pagsubok na dinaanan ng Israel sa disyerto. Mapapansing ang Israel ay sinubok noong sila’y magutom (Exodus 6:13) at maranasan nila ang kawalan ng Diyos (Exodus 17:1-7). Hindi rin nagtagal at nag-umpisang manilbihan sa ibang Diyos ang Israel (Ex. 32). Sa madaling sabi’y hindi nakapasa sa pagsusulit ang Israel. Sa salaysay ni Mateo, si Jesus, ang Bagong Israel ay sinubok at pumasa.

3. Basahin ang mga sumusunod na talata mula sa Deuteronomio na ginamit ni Jesus laban sa tukso ng diyablo:

  • Ang tao ay hindi nabubuhay sa tinapay lamang … Deuteronomy 8:2-3
  • Huwag ninyong subukin ang Panginoon… Deuteronomy 6:16
  • Sambahin ninyo ang Diyos, Siya lamang ang inyong pagsilbihan … Deuteronomy 6:13

Ano ang kahulugan ng mga talatang ito sa Deuteronomio? Ano ang mga kahulugan nito sa bibig ni Jesus?

Exodus 6:13
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
13And the Lord spoke to Moses and Aaron, and he gave them a charge unto the children of Israel, and unto Pharao the king of Egypt, that they should bring forth the children of Israel out of the land of Egypt.
Exodus 17:1-7
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
1Then all the multitude of the children of Israel setting forward from the desert of Sin, by their mansions, according to the word of the Lord, encamped in Raphidim, where there was no water for the people to drink.
2And they chode with Moses, and said: Give us water, that we may drink. And Moses answered them: Why chide you with me? Wherefore do you tempt the Lord?
3So the people were thirsty there for want of water, and murmured against Moses, saying: Why didst thou make us go forth out of Egypt, to kill us and our children, and our beasts with thirst?
4And Moses cried to the Lord, saying: What shall I do to this people? Yet a little more and they will stone me.
5And the Lord said to Moses: God before the people, and take with thee of the ancients of Israel: and take in thy hand the rod wherewith thou didst strike the river, and go.
6Behold I will stand there before thee, upon the rock Horeb: and thou shalt strike the rock, and water shall come out of it that the people may drink. Moses did so before the ancients of Israel:
7And he called the name of that place Temptation, because the chiding of the children of Israel, and for that they tempted the Lord, saying: Is the Lord amongst us or not?
Deuteronomy 8:2-3
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
2And thou shalt remember all the way through which the Lord thy God hath brought thee for forty years through the desert, to afflict thee and to prove thee, and that the things that were in thy heart might be made known, whether thou wouldst keep his commandments or no.
3He afflicted thee with want, and gave thee manna for thy food, which neither thou nor thy fathers knew: to shew that not in bread alone doth man live, but in every word that proceedeth from the mouth of God.
Deuteronomy 6:16
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
16Thou shalt not tempt the Lord thy God, as thou temptedst him in the place of temptation.
Deuteronomy 6:13
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
13Take heed diligently lest thou forget the Lord, who brought thee out of the land of Egypt, out of the house of bondage. Thou shalt fear the Lord thy God, and shalt serve him only, and thou shalt swear by his name.

Leave a Reply

*

AWSOM Powered