Email This Page Email This Page
angfrayle on December 30th, 2008

JesusBaptism-1

 

Ang kapistahan ng Pagbibinyag kay Hesus ang kauna-unahang Linggo ng Panahong May Bilang (Ordinary Time) bago mag-umpisa ang Kwaresma. Sa unang Linggong ito, isang larawang ng Sang-tatlo ang ipinapakita sa atin ng ebanghelistang si Marko: ang Ama na ipinapakilala ang Anak, ang Anak na nakikiisa sa mga makasalanan, at ang Banal na Espiritu na dumadapo sa Anak.

Tayo man na nabinyagan kay Kristo ay ginawang mga tagapamahagi sa buhay ng Sangtatlo. Dahil tayo’y napasa-kay-Kristo na, ibinuhos din sa atin ang Espiritu Santo nang sa gayo’y matawag din nating “Abba” and Ama ni Hesukristo. Ang binyag na tinanggap ni Hesus ay nagpapa-alala sa binyag na ating natanggap. Tayo ma’y kinikilala ng Ama na kanyang mga Anak kay Kristo Hesus. Nguni’t ang kanyang mga winika ba nuong si Hesus ay binyagan ay kinikilala mong para sa iyo rin?

Ang Teksto

Ang teksto ng Markos 1:7-11 ay maiksi lamang nguni’t maraming nilalaman. Ipakita ang daloy ng mga parirala para sa mga talata at alamin ang mga sumusunod:

  1. saang kontekso dapat isama ang tt. 7-8? sa tt. 4-6 ba o sa 9-11? Paano mo ipapaliwanag ang iyong sagot?
  2. Inihahambing ba ni juan ang kanyang sarili sa susunod sa kanya? sino sa dalawa ang mas nakakahigit, si Juan o yung susunod sa kanya? sa anu-anong dahilan ang isa’y mas nakakahigit?
  3. ano ang kaugnayan ng t.9 sa 10-11? sino ang ipinakikilala sa t.9? base sa isang talata lamang, anu-ano ang maaaring sabihin tungkol kay Hesus?
  4. anu-ano ang nangyari nang si Hesus ay umahon mula sa tubig? (bakit nga siya nanggaling sa tubig?)

    Para sa mas malalim ng pag-unawa ng Teksto

    1. Alamin ang kahalagahan at kahulugan ng mga sumusunod
      1. ang bautismo ni Juan
      2. ang pagkapunit ng kalangitan
      3. ang banal na espiritu (anong hugis? ano pang hugis meron ang banal na espiritu? sino ang nakakita sa pagbaba ng espiritu?)
      4. ang tinig (bukod sa pagbibinyag kay Hesus, kailan pa narinig ang tinig na ito?)
    2. Basahin ang mga sumusunod na talata (pati ang kani-kanilang konteksto) at alamin kung ano ang kaugnayan ng mga ito sa sinabi ng tinig
      • Salmo 2,7
      • Isaias 42, 1
    3. Ano ang ikinalulugod ng tinig kay Hesus? dahil ba sa ito ay “hari” o dahil siyay “alipin”? ano ang malaking pagkakaiba ng hari at alipin?
    4. Ihambing ang mga talata ni Markos (1:9.10-11) sa mga katulad nito kay Mateo at Lukas at alamin ang mga sumusunod:
      • Anu-ano ang pagkakatulad ng mga ito?
      • Saan napapaiba sa Lukas at si Mateo?
      • Ano ang pagkakaiba ng kwento ni Markos sa dalawa?

    Leave a Reply

    You will be able to edit your comment after submitting.