Email This Page Email This Page
angfrayle on June 1st, 2009

_hulinghapunan

Sa Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo ay inaalala natin ang pag-ibig na ipinakita ni Hesus sa kanyang Iglesya, pag-ibig na may kasamang ala-ala: ang sakramento ng kanyang presensya, ang Eukaristiya. Sa kasalukuyang taong liturhiko ipinababasa sa atin ng Iglesya ang salaysay ni Markos tungkol sa Huling Hapunan.

Ang Teksto ng Markos 14:12-31

Basahin ang kabuuan ng Markos 14:12-31 at alamin ang mga bahaging bumubuo nito. Pansinin na ang pagbasa ay binubuo ng mga talata 12-16 at 22-26. Sa iyong pag-aaral ng mga bahagi ng mga talata 12-31, alamin kung anong mga bahagi ang hindi isinama sa pagbasa. Ano kaya ang dahilan?

Mga Tanong Tungkol Sa Teksto

Ang mga tanong dito ay halaw sa mga talata 12-16 at 22-26.

1. Kailan naganap ang mga kaganapan sa kwento?
2. Anong oras pinapatay ang mga kordero upang ialay sa templo?
3. Bakit kaya kailangang idiin ni Markos na nangyari ang Huling Hapunan sa Paskuwa ng
mga Hudyo? Mahalaga ba ito para sa pag-unawa ng kahulugan ng pagkamatay ni Jesus?
4. Ano ang itinanong ng mga alagad kay Hesus? Ano ang pakay ng tanong?
5. Ano ang instruksyong ibinigay ni Hesus? (Ano ang pagkakasunod-sunod?)
6. Nahirapan ba ang mga alagad sa pagsasagawa ng mga iniutos ni Hesus? Ipaliwanag ang
sagot.
7. Ayon sa talata 22, anu-ano ang ginawa ni Hesus? Meron pa bang isang kaganapang
ikinwento sa ebanghelyo ni Markos na ganito rin ang ginawa ni Hesus? Ano yon?
8. Ano ang winika ni Hesus tungkol sa tinapay? sa alak? Meron pa bang sinabi si Hesus
sa ibang ebanghelyo — bukod kay Mateo at Lukas — na tulad nito? Saan mababasa ito?
9. Nang sinabi ni Hesus na “ito ang dugo … na ibubuhos para sa marami”, sinasabi ba
niyang hindi ito ibinuhos para sa lahat?
10. Ang mga winika ni Hesus sa huling hapunan tungkol sa tinapay at alak — ito ba’t isang
beses lang natin naririnig sa isang taon? Kailan natin naririnig ang mga salitang ito?

Para sa mas malalim na pag-unawa ng teksto

1. Basahin ang artikulong matatagpuan dito at alamin ang mga sumusunod:

  • ang mga kagawian ng pagtanggap sa Herusalem kapag kapistahan ng Paskuwa
  • ang lugar na pinagdausan ng huling hapunan

2. Pinaiksi ni Markos (at ng mga ebanghelista) ang pagsasalaysay ng mga ginagawa sa hapunan ng Paskuwa. Basahin ang artikulong matatagpuan dito 1 at alamin ang mga sumusunod:

  • anong bahagi ng rito ng pagkain sa Paskuwa ang napapaloob sa tradisyon ng eukaristiya na ipinaabot sa atin ni Markos?
  • saang bahagi ng kainan ibinigay ni Hesus ang tinapay na kanyang “Katawan?” ang kopa ng kanyang “Dugo”?

    1. Pansinin din na may mga bahagi sa rito ng kainan ng Paskuwa ng mga Hudyo na nakikita sa Misa. Anu-ano ito?

Leave a Reply

You will be able to edit your comment after submitting.