"Sa araw na ito, makakasama mo ako sa Paraiso". Ito ang mga salita ni Jesus sa magnanakaw na nagtanggol sa kanya sa pangungutya ng kanyang kasama. "Sa araw na ito" ay ang "Ngayon" ng kaligtasan. Katulad ni Zaqueong pandak na tumanggap kay Jesus at nakaranas ng kanyang kaligtasan, ang mabuting magnanakaw ay tumanggap din ng kaligtasan mula kay Jesus. Tinanggap niya si Jesus sa kanyang buhay at nagpasakop siya sa kanyang paghahari.
Ang Teksto
35 Ang mga tao nama’y nakatayo roon at nanonood, habang si Jesus ay kinukutya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi nila, "Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang sarili kung siya nga ang Cristo na hinirang ng Diyos!"
36 Nilait din siya ng mga kawal. Nilapitan siya ng isa at inalok ng maasim na alak, 37 kasabay ng ganitong panunuya, "Kung ikaw nga ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili."
38 Isinulat nila sa kanyang ulunan, "Ito ang Hari ng mga Judio."
39 Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, "Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami."
40 Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, "Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! 41 Tama lamang na tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama." 42 At sinabi pa nito, "Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na."
43 Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso."
Mga Tanong tungkol sa Teksto
- Nasaan si Jesus sa umpisa ng siping ito ng salaysay ng kanyang paghihirap at kamatayan?
- Siya ba ay nakapako na o hindi pa?
- Siya ba ay kinaaawaan ng mga taong nanduon? Sino-sino ang mga nagsasalita sa kanya?
- Si Hesus ba ay Hinirang ng Diyos?
- Si Hesus ba ay ang "Cristo ng Diyos"?
- Ano ang ginawa ng isang kawal? Ito ba’y dahil sa awa?
- Sino ang Hari ng mga Romano at ng buong mundo noon?
- Si Hesus ba ay Hari ng mga Judio?
- Si Hesus ba ay Hari?
- Bukod sa mga kawal at mga pinuno na nandoon sino pa ang tumuya kay Jesus?
- Wala bang nagtanggol kay Jesus sa mga oras na ito? Anong uri ng tao ang nagtanggol sa kanya? Paano niya pinagtanggol si Jesus?
- Kinilala ba ng taong ito ang pagiging hari ni Jesus?
- Tama ba ang kanyang pagkilala kay Jesus?
- Ano ba ang paraiso? Ito ba’y langit na? Ito ba ay nasa lugar ng mga patay? May naaalala ka ba sa ebanghelyo ni Lukas na katulad ng lugar na ito?
- Sino ang makakasama ni Jesus sa araw na iyon sa paraiso?
Para sa mas malalim na Pag-unawa
1. Basahin ang talata mula t. 33. Ano ang iyong mga napapansing ginagawa ni Jesus? Ihambing ang Awit 22 sa mga nangyayari kay Jesus.
2. Ang pagbibigay ng suka kay Jesus ay normal na ginagawa ng mga sundalo noon. Ang alak na maasim ("suka" na) ay para hindi maramdaman ng kriminal ang masakit na pagkakapako. Ngunit sa konteksto ng salaysay ni Lukas at ng pagkakagamit ng Awit 69;21 dito, ang pagbibigay kay Jesus ng alak na maasim ay bahagi ng pangungutya sa kanya.
3. "Paraiso". Para sa isang Pilipino napakadaling isipin na ito na ang langit, dahil marahil sa turo ng mga Muslim. Nguni’t para sa Judio noong panahon ni Jesus, hindi pa ito ang langit, na tirahan ng Diyos (ang ika-pitong langit). Ayon sa mga kasulatan ng mga Judio sa mga panahong ito, ang Sheol, ang lugar ng mga patay ay nahahati sa apat na bahagi kung saan ang mga masasama at mabubuti ay may luklukang naaayon para sa kanilang kalagayan: lugar ng pagdurusa para sa mga makasalanan, at lugar ng katiwasayan para sa mga mabubuti. Ang "dibdib ni Abraham" na binabanggit sa talinghaga ng mayaman at ni Lazaro ay isa sa mga lugar na ito. Para sa mga Judio sa Alexandria, ang "paraiso" ang lugar ng mga namatay na nakalaan para sa muling pagkabuhay. Sa mga gamit na ito ng salita, mababatid na ang "Paraiso" na binanggit ni Jesus ay ang lugar ng kaligayahan para sa mga namatay na mabubuhay na mag-uli.




really agreed with what they were saying and thought I would share it with you all…
was surprised by this so thought I would share it with my readers…