Mayamang Hangal

Habang nasa daan patungong Jerusalem, tinuruan ng Panginoon ang mga kasama niya sa paglalakbay tungkol kaharian ng Diyos. Isa mga turo niya dito ay tungkol sa kayamanan at sa paghahangad dito. Ang talinghaga tungkol sa mayamang hangal ay isa sa kanyang mga naging paksa. Hindi masama ang magpakayaman — ang tanong lamang ay kung ang isa’y mayaman sa Diyos o mayaman sa mga bagay na lilipas din naman.

Ang Teksto

13 Sinabi kay Jesus ng isa sa mga naroroon, "Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid kong ibigay niya sa akin ang bahagi ko sa aming mana."

14 Sumagot siya, "Sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?" 15 At sinabi niya sa kanilang lahat, "Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan."

16 Pagkatapos, isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga. "Isang mayaman ang umani nang sagana sa kanyang bukirin. 17 Kaya’t nasabi niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayon? Wala na akong paglagyan ng aking mga ani! 18 Alam ko na! Ipagigiba ko ang aking mga kamalig at magpapatayo ako ng mas malalaki. Doon ko ilalagay ang aking ani at ibang ari-arian. 19 Pagkatapos, ay sasabihin ko sa aking sarili, marami ka nang naipon para sa mahabang panahon. Kaya’t magpahinga ka na lamang, kumain, uminom, at magpasarap sa buhay!’

20 "Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabi ring ito’y babawian ka na ng buhay. Kanino ngayon mapupunta ang mga inilaan mo para sa iyong sarili?’ 21 Ganyan ang sasapitin ng sinumang nag-iipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos."

Mga Tanong Tungkol sa Teksto

  1. Nasaan si Jesus sa umpisa ng salaysay na ito?
  2. Sino ang kanyang mga kasama?
  3. Ano ang dahilan at nagbigay siya ng talinghaga?
  4. Ang mayaman sa talinghaga ba ay humihirap o yumayaman?
  5. Ano ang kanyang pinu-problema?
  6. Siya ba ay nahihirapan sa buhay?
  7. Dapat pa ba siyang magtrabaho?
  8. Ang mayaman ba ay masamang tao?
  9. Masama ba na mabuhay kang masaya mula sa bunga ng iyong pinaghirapan?
  10. Tanga ba ang mayaman dahil ipagigiba niya ang kanyang kamalig upang magpatayo ng mas malaki?
  11. Ano ang dahilan na ang mayaman sa talinghaga ay tinawag na tanga?
  12. Ano ang ibig sabihin ng "dukha sa paningin ng Diyos"?

Para sa mas malalim na pag-unawa

1. Basahin ang lathalaing ito (On Greed and Wealth) at tunghayan ang mga talata sa bibliya na binabanggit dito tungkol sa kayamanan at ang mananampalataya.

2. Basahin din ang mga sumusunod na talata mula sa ebanghelyo ni Lukas tungkol sa kayamanan:

  • Luke 6:24-26
  • Luke 8:14
  • Luke 12:33
  • Luke 18:22
Luke 6:24-26
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg Greek
24But woe to you that are rich: for you have your consolation.
25Woe to you that are filled: for you shall hunger. Woe to you that now laugh: for you shall mourn and weep.
26Woe to you when men shall bless you: for according to these things did their fathers to the false prophets.
Luke 8:14
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg Greek
14And that which fell among thorns, are they who have heard, and going their way, are choked with the cares and riches and pleasures of this life, and yield no fruit.
Luke 12:33
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg Greek
33Sell what you possess and give alms. Make to yourselves bags which grow not old, a treasure in heaven which faileth not: where no thief approacheth, nor moth corrupteth.
Luke 18:22
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg Greek
22Which when Jesus had heard, he said to him: Yet one thing is wanting to thee: sell all whatever thou hast, and give to the poor, and thou shalt have treasure in heaven: and come, follow me.

Leave a Reply

*

AWSOM Powered