Email This Page Email This Page
angfrayle on October 15th, 2008

"Kung ang Katotohanan, Buhay at Pag-ibig ay matatagpuan kay Kristo, bakit hindi lahat ng nakakita sa Kanya ay nanalig din sa Kanya?"  Sa mga talata ng Juan 6:35-50 ay malalaman ang kasagutan sa tanong na ito. 

Ang Teksto

Sa umpisa pa lamang ay dapat aminin na hindi maganda ang pagkakaputol sa leksyonaryo ng teksto ng Juan 6:37-40. Ang dahilan dito ay hindi naman kahirapang ipaliwanag: ang tema ng liturhiya para sa ika-31ng Linggo ay ang pag-asa nating makita muli ang mga kamag-anak at kaibigang pumanaw na. Ang pag-asang ito ay nakabase sa mga sinabi ng Panginoon na ang mga nakisalo sa hapag ng Laman at Dugo ng Panginoon ay hindi mamamatay kailanman. Para sa mas maiging pag-aaral ng teksto, mas maganda na pag-aralan din ang mga talatang nagsisimula sa tt. 35.

Gawan ng Daloy ng Parirala ang tekstong sumusunod

35Sinabi ni Jesus sa kanila:
Ako ang tinapay ng buhay.
Siya na lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman.
Siya na sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.

36Sinabi ko sa inyo,
na nakita rin ninyo ako
at hindi kayo sumampalataya.

37Ang lahat ng ibinigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin.
Siya na lalapit sa akin ay hindi ko itataboy kailanman.
38Ito ay sapagkat ako ay bumaba mula sa langit
hindi upang gawin ang sarili kong kalooban
kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin.
39Ito ang kalooban [ng Ama] na nagsugo sa akin:
Wala akong iwawaglit sa lahat nang ibinigay niya sa akin
ngunit ibabangon siya sa huling araw.
40Ito ang kalooban niya na nagsugo sa akin:
Ang bawat isa na nakakakita sa Anak
at sumasampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Ibabangon ko siya sa huling araw.

Bigyan ng Pansin ang Mga Sumusunod

  1. Sino ang mga kausap ni Hesus? Kailan at saan niya sinabi ang mga bagay na ito?
  2. Ilista ang mga kasabihan sa talata na inuulit. (Mahalaga itong gawin dahil ang mga pandiwang ginagamit dito ay maaaring may parehong ibig sabihin, tulad ng "lumapit sa akin" at "sumasampalataya")
  3. Sino, ayon kay Hesus, ang mga lumalapit sa Kanya?
  4. Sino ang nagsugo kay Hesus? Ano ang kanyang pakay? Ano ang pakay ni Hesus?
  5. Bakit sinabi ni Hesus na walang siyang iwawaglit?  Sino ang kanyang tinutukoy?

Para sa mas malalim ng pag-unawa ng Teksto

  1. May naaalala ka pa bang mga talata sa ebanghelyo ni Juan kung saan sinabi ni Hesus na dahil sa kanyang ibibigay, ay isang tao’y hindi mauuhaw? Anong talata ito? Anong konteksto?
  2. Sa Juan 1:1-181 ba ay may sinabi na si Hesus na katulad ng mga nasasaad dito?
  3. Kailan pa ginamit ni Hesus ang kasabihang "Lumapit kayo’t tumingin"?
  4. Alamin sa isang konkordansya kung saan ginagamit ni Hesus ang mga salitang ito:
    • bumaba mula sa langit
    • buhay na walang hanggan
    • itatayo ko syang muli

  1. Mahalaga ring alamin kung ano ang laman ng Prologo ni Juan sapagka’t ito’y somaryo ng kanyang Ebanghelyo.

One Response to “Ang Mga Bigay Sa Akin ng Ama”

Trackbacks/Pingbacks

  1. A List of New Pages

Leave a Reply

You will be able to edit your comment after submitting.