Tatlo ang utos ng Panginoon sa mga binyagan: Halika, Lumapit Ka, Humayo Ka. “Halika” ang utos para sa pagiging alagad, ang pagsunod sa kanyang mga yapak. “Lumapit Ka” ang kanyang utos sa mga nais niyang manahan sa kanyang piling. “Humayo Ka” ang utos niya sa kanyang mga sugo. “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun di’y isinusugo ko kayo.” Ang kanyang isinusugo ay yaong mga nananahan sa Kanya. At kung paanong nabuhay si Hesus, gayon di’y nais niyang mamuhay ang kanyang mga isinugo sa lubos na kapayakan, at tiwala sa Diyos at sa kabutihan ng kapwa.
Ang Teksto
Ang saling sumusunod ay mula sa Ang Salita ng Diyos (http://biblegateway.com). Ihambing ang saling ito sa iyong hawak na Bibliya
7Tinawag niya ang labindalawang alagad. Sila ay isinugo niyang dala-dalawa at binigyan ng kapamahalaan laban sa mga karumal-dumal na espiritu.
8Inutusan niya sila na huwag magdadala ng anumang bagay sa paglalakbay kundi tungkod lamang. Hindi rin sila pinagdadala ng pamigkis o tinapay o salapi sa bulsa. 9Pinagsusuot sila ng sandalyas. Gayundin hindi sila pinagsusuot ng dalawang balabal. 10Sinabi niya sa kanila: Saan mang bahay kayo pumasok, manatili kayo roon hanggang kayo ay umalis. 11Ang sinumang hindi tumanggap o makinig sa inyo, sa pag-alis ninyo roon, ipagpag ninyo ang alikabok ng inyong talampakan. Gawin ninyo ito bilang patotoo laban sa kanila. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Higit na mabigat ang parusa sa lungsod na iyon kaysa sa parusa sa Sodoma at Gomora sa araw ng paghuhukom.
12Sa kanilang paghayo, ipinangaral nila sa mga tao na magsisi. 13Gayundin, maraming mga demonyo ang kanilang pinalabas, pinahiran nila ng langis ang maraming maysakit at pinagaling sila.
Mga Tanong Tungkol Sa Teksto
- Sino ang Labindalawa?
- Sino sino ang bumubuo ng grupong ito? Saan sila nanggaling?
- Ano ang isa pang tawag sa kanila?
- Bago ang mga pangyayari sa salaysay ng MarkHosea 6:7-13 ano ang ginagawa ng Labindalawa?
- Ayon sa salaysay, ano ang gustong ipagawa sa kanila ni Hesus?
- Ano ang maaari nilang dalhin?
- Ano ang mga bagay na hindi nila dapat dalhin?
- Ano ang dapat nilang gawin kung sila’y tatanggapin sa isang bahay?
- Ano ang dapat nilang gawin kung sila’y hindi tatanggapin sa isang lugar?
- Sa orihinal na teksto ba ay may banggit tungkol sa Sodom at Gomorra?
- Ginawa ba ng mga alagad ang inihabilin sa kanila?
- Ano ang kanilang ginawa bilang pagtupad sa utos ni Hesus?
Para sa mas malalim na pag-unawa
1. Ang talata “Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Higit na mabigat ang parusa sa lungsod na iyon kaysa sa parusa sa Sodoma at Gomora sa araw ng paghuhukom” ay hindi na makikita sa mga modernong salin ng Bibliya. Ang talata ay makikita sa ilang mga antigong dokumento ng Markos, nguni’t ito’y kinopya mula sa Mateo 10:15 at hindi orihinal.
2. Basahin ang mga pahinang ito para sa karagdagang ulat:




Leave a Reply