Para sa Kapistahan ng Pagbaba ng Banal na Espiritu, ating pag-uukulan ng pansin ang unang pagbasa na hinalaw sa Gawa 2:1-12.

Ang Teksto ng Unang Pagbasa

Ang mga talatang pinili para sa unang pagbasa sa kapistahan ng Pagbaba ng Banal na Espiritu ay ang unang labindalawang talata ng isang salaysay na sumasakop ng mga talata ng ikalawang kabanata ng mga Gawa hanggang sa 41. Ang kabuuan ng salaysay na ito ay maaaring ibalangkas ng ganito

  • 1-4 Ang ugong ng hangin na naging pangitain ng mga dilang apoy sa pook na kinaroroonan ng mga alagad.
  • 5-13 Ang reaksyon ng mga taong nasa labas ng bahay na napuno ng ugong ng malakas na hangin at kinaroroonan din ng mga alagad
  • 14-36 Ang tugon ni Pedro sa tanong na "Ano ang ibig sabihin nito" (12b) at sa paratang na "Mga lasing iyan" (v. 13)
  • 37 Ang reaksyon ng mga tao sa tinuran ni Pedro: "Ano ang dapat naming gawin?"
  • 38-40 Ang tugon ni Pedro sa katanungan
  • 41 Pagwawakas: Sumanib sa mga alagad ang 3000 katao.

Mapapansing ang piniling unang pagbasa ay sumasakop sa mga talata 1-12 at natatapos sa katanungang "Ano ang ibig sabihin nito?" Ang kaganapang tinutukoy ay ang pagsasalita ng ilang mga Galileo sa kanilang katutubong wika nguni’t ang kanilang sinasabi’y nauunawaan sa iba’t ibang wika ng mga nakakarinig. Hindi nakita ng madla ang mga dilang apoy na bumaba sa mga alagad, bagama’t narinig nila ang ugong ng malakas na hangin. Sa tugon ni Pedro sa tt. 14-36 ay babanggitin niya ang pagbuhos ng Espiritu sa mga nilalang ng mga huling araw, ang kaganapan ng pangako ng Diyos sa Israel tungkol sa Araw ng Panginoon (tingnan Joel 2:28-32 at Gawa 2:16-21).

Para sa paghahandang gagawin, basahin muna ang kabuuan ng 2:1-41 at gawan ng Daloy ng mga Parirala ang 2:1-13. Bigyan din ng pansin ang mga ginagawa ng mga alagad sa Gawa 1:12-14 at tandaan kung sinu-sino ang mga madalas na nangagkakatipon sa paghihintay ng "ipinangako ng Ama" (1:4)

Mga Tanong Tungkol sa Teksto

  1. Kailan naganap ang pangyayari sa salaysay? Ilang araw pagkatapos ng Pasqua ng mga Judio ipinagdiriwang ang Pentekostes? Noong mga panahong nasasakupan ng salaysay, ano ang inaalala ng mga Judio sa pagdiriwang ng Pentekostes?
  2. Sino-sino ang mga tinutukoy sa salitang "sila" sa Gawa 2:1? Nasaan sila noon? Ano ang kanilang narinig? Ano ang kanilang nakita? Ano ang nangyari sa kanila? Nang sila’y mapuspos ng Espiritu Santo, ano ang kanilang ginawa?
  3. Ang pagsasalitang ginawa ng mga alagad ba ay ang glossolalia ("speaking in tongues") na ginagawa sa mga prayer meeting ng mga charismatic? (Para sa tamang tugon, tingnan ang paliwanag ni Pablo tungkol sa glossolalia sa 1 Kor 14:2-4).
  4. Ano ang kaibahan ng pagsasalita ng mga alagad sa glossolalia?
  5. May ibang tao ba na nakarinig ng ingay sa kinaroroonan ng mga alagad? Ano ang ginagawa ng mga ito noon sa Jerusalem?
  6. Tatlo ang reaksyon ng mga taong nagdatingan upang mang-usyoso; anu-ano ang kanilang reaksyon?
  7. Ano ang nakamamangha at nakapagtataka sa ginagawa ng mga alagad?
  8. Taga-saan ang mga taong nakasaksi sa ginagawa ng mga alagad?
  9. Ayon sa aklat ng Genesis, paanong nagkaroon ng iba’t ibang wika? (Para sa tugon, basahin ang Genesis 11:1-9)
  10. Ang nangyari sa mga alagad ba ay masasabing kabaligtaran ng nangyari sa Tore ng Babel?
  11. Bagaman hindi lasing ang mga alagad, sila ba’y nakainom nang araw na iyon? (Para sa tugon, basahin ang 1 Kor. 12:13)

Para sa mas malalim na Pag-unawa

1. Pentekostes – Singkwenta (50). Tumutukoy sa ika-50 araw paglipas ng Pasqua. Ang Pentekostes noong unang siglo ng panahong kasalukuyan ay Kapistahan na kung saan inaalala ng mga Judio ang pagbibigay ng Batas kay Moyses sa bundok ng Sinai. Ang Kapistahan ay mahalaga kung kaya naman dumadagsa ang mga peregrino sa Jerusalem upang ipagdiwang ito.

2. Espiritu — Ang salitang Griyego na "pneuma" ay may iba’t ibang salin. Ito’y maaaring "hininga" o "hangin" o "espiritu." Kaya nga ang ingay ng malakas na hangin na narinig ng mga alagad ay siya ring Espiritu na pumuspos sa kanila. Kaya naman mauunawaan na nuong hiningahan ni Jesus ang mga alagad nuong gabi ng unang Linggo, sinabi niya: "Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo" (Juan 20:19-23).

3. "at sila’y nagsalita sa iba’t ibang wika" (v.4) — Ang unang epekto ng pagdating ng Espiritu Santo sa mga alagad ay ang pagsasalita na nauunawaan sa iba’t ibang wika. Ito ay para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo na kanilang ipapahayag sa lahat ng mga bansa (tingnan, Gawa 1:8, Lukas 24:47; Matteo 28:19). Ang mga binabanggit ng mga grupo ng tao sa Gw 2:9-10 ay mga kinatawan ng mga bansa. Kaya sa pagdating ng Espiritu Santo ay makikita agad na ang Iglesyang itinatag ay mga kakanyahang Katoliko, sapagka’t ang pagsusugo dito ay para sa buong daigdig (tingnan din ang Apok. 7:9-17 kung saan binabanggit ang mga saksing kasapi ng Iglesyang laganap sa daigdig).

4. "maging mga Judio ay mga naakit dito" (v. 10) — Ang mga kasapi sa Judaismo nuong unang siglo ay mga tatlong grupo. Ang mga Judio na nagmula sa lahi ng Israel, ang mga "proselytes" na pawang mga banyaga nguni’t buong-buo nilang niyakap ang relihiyon ng Batas ni Moyses, hanggang sa pagpapatuli. Iba pa rin ang mga tinatawag na "may takot sa Diyos". Ang mga ito ay mga banyaga na may malaking simpatiya sa relihiyon ng mga Judio at sumasama sila sa mga pagtitipon sa sinagoga, nguni’t hindi sila nagpapatuli at hindi rin gumagawa ng mga ritwal na hinihingi ng Batas ni Moyses.

Joel 2:28-32
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
28And it shall come to pass after this, that I will pour out my spirit upon all flesh: and your sons and your daughters shall prophesy: your old men shall dream dreams, and your young men shall see visions.
29Moreover upon my servants and handmaids in those days I will pour forth my spirit.
30And I will shew wonders in heaven; and in earth, blood, and fire, and vapour of smoke.
31The sun shall be turned into darkness, and the moon into blood: before the great and dreadful day of the Lord doth come.
32And it shall come to pass, that every one that shall call upon the name of the Lord shall be saved: for in mount Sion, and in Jerusalem shall be salvation, as the Lord hath said, and in the residue whom the Lord shall call.
Genesis 11:1-9
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
1And the earth was of one tongue, and of the same speech.
2And when they removed from the east, they found a plain in the land of Sennaar, and dwelt in it.
3And each one said to his neighbour: Come, let us make brick, and bake them with fire. And they had brick instead of stones, and slime instead of mortar.
4And they said: Come, let us make a city and a tower, the top whereof may reach to heaven: and let us make our name famous before we be scattered abroad into all lands.
5And the Lord came down to see the city and the tower, which the children of Adam were building.
6And he said: Behold, it is one people, and all have one tongue: and they have begun to do this, neither will they leave off from their designs, till they accomplish them in deed.
7Come ye, therefore, let us go down, and there confound their tongue, that they may not understand one another's speech.
8And so the Lord scattered them from that place into all lands, and they ceased to build the city.
9And therefore the name thereof was called Babel, because there the language of the whole earth was confounded: and from thence the Lord scattered them abroad upon the face of all countries.

Leave a Reply

*

AWSOM Powered