Ipinagpapatuloy sa Juan 6:41-51 ang naumpisahang usapan tungkol sa Tinapay na nagbibigay ng Buhay. Sa usapin ng mga Hudyo at ni Jesus, binibigyan ng diin ang winika ni Jesus tungkol sa tinapay na dapay pagsumikapan. Kung matatandaan, sinabi ni Jesus sa mga taong pumunta sa kanya na hindi dapat nila pagsumikapan ang Tinapay na napapanis kundi yaong nananatiling presko hanggang sa buhay na walang hanggan (Juan 6:27). Ngayo’y ipapaliwanag ni Jesus na siya ang Tinapay na nagbibigay ng Buhay.

Ang Teksto

41 Nagbulung-bulungan ang mga Judio dahil sa sinabi niyang, Ako ang tinapay na bumaba mula sa langit. 42 Sinabi nila, Hindi ba ito si Jesus na anak ni Jose? Kilala natin ang kanyang ama’t ina. Paano niya masasabi ngayong, Bumaba ako mula sa langit?

43 Kaya’t sinabi ni Jesus, Tigilan ninyo ang inyong bulung-bulungan. 44 Walang makakalapit sa akin malibang akayin siya sa akin ng Ama na nagsugo sa akin. At ang lalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw. 45 Nasusulat sa aklat ng mga propeta, At silang lahat ay tuturuan ng Diyos. Ang bawat nakikinig sa Ama at natututo sa kanya ay lalapit sa akin.

46 Hindi ito nangangahulugang may nakakita na sa Ama; ang nagmula sa Diyos ang tanging nakakita sa Ama. 47 Pakatandaan ninyo: ang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan.

48 Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay. 49 Kumain ng manna ang inyong mga ninuno nang sila’y nasa ilang, ngunit sila’y namatay. 50 Narito ang tinapay na bumaba mula sa langit upang ang sinumang kumain nito ay hindi na mamatay.

51 Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay ay ang aking katawan na ibibigay ko upang mabuhay ang sangkatauhan.

Mga Tanong Tungkol Sa Teksto

  1. Saan nanggaling ang mga Hudyo? Ano ang “Hudyo” sa Ebanghelyo ni Juan?
  2. Bakit sila nagbulung-bulungan?
  3. Sa Bibliya, maganda ba ang bulung-bulungan? Ano ang ipinahihiwatig nito?
  4. Kilala ba ng mga Hudyo si Jesus?
  5. Ayon sa ebanghelistang si Juan, tama ba ang haka-haka ng mga Hudyo tungkol sa pinagmulan ni Hesus?
  6. Sino ang mga lumalapit kay Jesus?
  7. Saan nagmula ang talatang “At silang lahat ay tuturuan ng Diyos”? Tingnan ang konteksto ng talata (o mga talatang) ito.
  8. Ano ang gagawin ni Jesus sa mga lumalapit sa kanya?
  9. Ang mga tuturuan ba ng Diyos ay nakakakita rin sa kanya? May nakakita na ba sa Ama? Sino?
  10. Ang mga Israelita bang kumain ng manna ay nakapasok sa Lupang Ipinangako? Ang kanila bang kinain sa disyerto ay tinapay na hindi napapanis?
  11. Nasaan ang tinapay na nagbibigay ng buhay na walang hanggan?
  12. Saan ibinibigay ni Jesus ang tinapay na nagbibigay buhay?

Para sa Mas Malalim na Pag-unawa

Basahin ang malapit na konteksto ng Juan 6:41-51 simula sa t. 35 at pansinin ang mga sumusunod:

1. Ang mga taong kausap ni Jesus ay sila ring sumunod sa kanya sa ibayo ng Lawa. Ang paglitaw ng mga Hudyo (na kasama rin sa mga taong nanduon) ay hudyat ng ebanghelista na ang turo tungkol sa Tinapay ng Buhay ay isang paghuhukom (tingnan John 12:48)

2. Sa talata 41ss ay parang nalimutan ng mga Hudyo na sinabi rin ni Jesus na siya ang Tinapay na nagbibigay buhay. Ito ay tatalakayin nila simula sa tt. 51ss. Ang tema ng tt. 41-50 ay tungkol sa Salita ng Diyos na nagbibigay ng Buhay (tingnan, Juan 1:1ss).

3. Ang mga katanungan ng mga Hudyo tungkol sa pinagmulan ni Jesus ay katulad ng makikita sa Mark 6:1-6.

4. Sa mga sagot ni Jesus sa bulung-bulungan ng mga Hudyo ay ipagdidiinan niya ang kanyang kaugnayan sa Ama sa langit at ang kanyang maka-langit na pinagmulan. Tandaan na sa ebanghelyo ni Juan ang binabanggit ni Jesus na siya ay “mula sa itaas”. Ang “itaas” ay lugar ng Ama, Liwanag, Buhay, Katotohanan at Pag-ibig. Ang “ibaba” naman ay kung saan natatagpuan ang Prinsipe ng Mundo, Karimlan, Kamatayan, Kasinungalingan at ang Pagkamuhing katulad ng kay Kain.

5. Ang pagbanggit ni Jesus na wala pang nakakakita sa Ama bukod sa kanyang nagmula sa Kanya ay malinaw na pagtukoy sa Juan 1:1-18. Siya ang Salita ng Diyos na siyang Liwanag na nagbibigay Buhay.

John 12:48
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg Greek
48He that despiseth me, and receiveth not my words, hath one that judgeth him; the word that I have spoken, the same shall judge him in the last day.
Mark 6:1-6
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg Greek
1And going out from thence, he went into his own country; and his disciples followed him.
2And when the sabbath was come, he began to teach in the synagogue: and many hearing him were in admiration at his doctrine, saying: How came this man by all these things? and what wisdom is this that is given to him, and such mighty works as are wrought by his hands?
3Is not this the carpenter, the son of Mary, the brother of James, and Joseph, and Jude, and Simon? are not also his sisters here with us? And they were scandalized in regard of him.
4And Jesus said to them: A prophet is not without honor, but in his own country, and in his own house, and among his own kindred.
5And he could not do any miracles there, only that he cured a few that were sick, laying his hands upon them.
6And he wondered because of their unbelief, and he went through the villages round about teaching.

Leave a Reply

*

AWSOM Powered