Isa sa mga pahayag ng propeta Isaias tungkol sa kinabukasang inihahanda ng Panginoon para sa bayan ng Israel ay ang pagpapagaling ng mga bulag, pipi, bingi at lumpo. Nang magpadala si Juan Bautista ng embahada kay Hesus upang tanungin kung siya na nga ang Mesiyas na hinihintay, sumagot siya ng ganito: “Bumalik kayo kay Juan at sabihin ninyo sa kanya ang inyong naririnig at nakikita. Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling at lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.” (Matthew 11:5). Sa Markos 7:31-37 ay makikitang isinasagawa ni Hesus ang pagpapagaling ng isang taong bingi at pipi. Ang mga ginawa ni Hesus sa pagpapagaling ay naging bahagi ng rito ng bautismo ng Iglesya at naging simbolo ng obligasyon ng binyagan na tumalima sa ebanghelyo at ipahayag ito sa pananalita. “Ephphata” utos ni Hesus sa tenga at bibig ng taong bingi at pipi. Ang tenga ay binubuksan dahil nga “Ang pananampalataya ay nasa pandinig. (Romans 10:17)”. At ang bibig ay binubuksan upang kahit ang binyagan ay magkaroon ng kakayahang ipahayag ang ebanghelyo (cf. Luke 10:1ff).
Ang Teksto
31 Pagbalik ni Jesus mula sa lupain ng Tiro, dumaan siya sa Sidon at nagtuloy sa Lawa ng Galilea, matapos tahakin ang lupain ng Decapolis. 32 Dinala ng mga tao sa kanya ang isang lalaking bingi at pipi, at nakiusap sila sa kanya na ipatong niya rito ang kanyang kamay. 33 Inilayo muna ni Jesus sa karamihan ang lalaki, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura si Jesus at ipinahid ito sa dila ng pipi. 34 Tumingala si Jesus sa langit at nagbuntong-hininga. Pagkatapos, inutos niya sa tainga ng lalaki, “Effata,” na ang ibig sabihi’y, “Bumukas ka!”
35 Noon di’y nakarinig ang lalaki at nakapagsalita na nang maayos. 36 Sinabi ni Jesus sa mga tao na huwag ipamalita ito, ngunit habang pinagbabawalan niya ang mga tao ay lalo naman nila itong ipinamamalita. 37 Buong paghangang sinasabi nila, “Ang lahat ng kanyang ginagawa ay napakabuti! Pinapagaling pa niya ang mga bingi at pipi!”
Mga Tanong Tungkol sa Teksto
- Saan naganap ang kwento ng pagpapagaling sa taong bulag at pipi?
- Saan ba nanggaling si Hesus at napadaan siya sa lugar na iyon?
- Paano niya napansin ang taong bulag at pipi? Sino ang nagdala nito sa kanya?
- Ano ba ang hiling sa kanya ng mga tao? Ano ang ginawa at sinabi ni Hesus? (Isa-drama ang ginawa ni Hesus sa tao)
- Gumaling ba ang tao? Paano natin alam na gumaling nga siya?
- Ano ang sinabi ni Hesus sa mga tao pagkatapos mapagaling ang tao?
- Sinunod ba siya ng mga tao?
- Ano ang ginawa ng madla? Ano ang kanilang sinabi?
Para sa mas malalim na pag-unawa
1. Ang lugar ng Decapolis (Ang Sampung Lungsod) kung saan pinagaling ni Hesus ang taong bulag at pipi ay makikitang nakapaligid sa Lawa ng Galilea (sa mapang ito ay makikita ang apat sa sampung lungsod: Damascus, Gerasa, Gadara at Scythopolis). Idagdag pa dito ang mga lugar na dinaanan ni Hesus: Sidon, Tiro, Caesarea Philippi, na pawang mga lugar na ang kultura ay Graeco-Romano. Samakatwid, si Hesus ay nang mga misyonerong Kristiyano nuong panahon ni Markos na dumadaan sa mga lugar ng mga Hentil.

2. Basahin ang lathalaing matatagpuan dito para sa karagdagang impormasyon. Malalaman sa artikulong ito na
- Ang mga ginawa ni Hesus sa taong bulag at pipi ay ginagawa rin ng mga ibang mapaghimalang manggagamot sa mga panahong iyon.
- Ang paggamit ng dura sa panggagamot ay kinikilala kahit sa “Kasaysayang Maka-Kalikasan” ni Plinio. May mga ulat dito tungkol sa pagpapagaling na oris excremento




Leave a Reply