Email This Page Email This Page
angfrayle on December 13th, 2008

annunciation-modern-sm

Sa ika-apat na Linggo ng Adbiyento, ibinibida ng liturhiya ang dalagang si Maria. Alam na natin kung ano ang nangyari sa kanya bilang ina ng Panginoon. Sa katotohanan nga’y alam natin kung ano ang nangyari sa kanya pagkatapos niyang iluwal ang Panginoong Hesukristo, nang una niyang dalhin sa Templo ang kanyang sanggol, at kung paanong sinundan niya ang kanyang Anak patungong Kalbaryo at tumayo sa ilalim ng krus na ito. Ang lahat ng ito ay nangyari sa kanya dahil sa kanyang “Oo” sa mabuting balitang tinanggap mula kay Gabriel.

Si Maria ang modelo ng Iglesya. Ilang beses nang ipinaliwanag ang katotohanang ito sa mga sermon at sa mga sulat ng Papa. Sa kwento ni Lukas tungkol sa pagpapahayag ng anghel kay Maria, makikita natin kung anong uri ng pagtalima ang hinihintay ng Diyos mula sa Iglesyang kanyang tinawag mula sa karimlan tungo sa liwanag.

Ang Teksto

Pag-aralan ang teksto ng Lukas 1:26-38 na matatagpuan dito.. Pansining mabuti ang mga sumusunod:

  1. Saan isinugo ang anghel na si Gabriel?
  2. Sino ang kanyang pakay sa Nazareth?
  3. Ang dalaga’y tinawag na “birhen”. May dahilan kaya si Lukas sa pagkakabanggit nito? Ano ang dahilan?
  4. Ano ang mabuting balita na dala ng anghel sa dalaga?
  5. Paano ipinaliwanag ng anghel ang pagdadalantao ng dalaga?
  6. Sa pag-uusap nila ng anghel, ang dalaga ba ay may ipinakitang katalinuhan? Siya ba’y tanga?
  7. Ano ang sagot ng dalaga sa sinabi sa kanya ng anghel?

Para sa mas malalim ng pag-unawa sa teksto

Pag-aralang mabuti ang mga sumusunod

  1. mga tala sa Bibliya na pinapa-alingawngaw ni Lukas sa kanyang kwento
    1. Isaiah 7:14
    2. 2 Samuel 7:1ss
    3. Genesis 18:14
    4. Exodus 13:22ss; 19:16ss; 24:16ff
  2. paghahambing sa pakikipag-usap ni Gabriel kay Zacarias (Lukas 1:5-22)
    1. binati ba ng anghel si Zacarias?
    2. ano ang laman ng mabuting balita para kay Zacarias?
    3. bakit napipi si Zacarias?
    4. nagkatotoo ba ang balita ng anghel?
    5. ihambing ang pakikipag-usap ng anghel kay Maria at kay Zacarias: ano ang mga pagkakaiba?
  3. mga ekspresyon
    1. “Punong-puno ng grasya”. Ito ang pangalan ni Maria sa anghel. Ano ang ibig sabihin ng pagpapalit ng pangalan sa Bagong Tipan?
    2. “Hesus”. Ito ang pangalan ng ipagdadalantao ni Maria. Ano ang ibig sabihin ng pangalang ito?
    3. “lililiman ka ng Kapangyarihan…” Pag-aralan ang mga talatang mula sa Exodus (tingnan sa itaas). Ano ang ibig sabihin ng ekspresyon tungkol sa paglilim ng kapangyarihan ng Diyos?
    4. “Mangyari nawa sa akin…” Basahin ang panalangin ni Hesus sa hardin nuong gabing dakpin siya. May pagkakatulad ba sa tinuran ni Hesus at ni Maria?
    Isaiah 7:14
    View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
    14Therefore the Lord himself shall give you a sign. Behold a virgin shall conceive, and bear a son, and his name shall be called Emmanuel.
    2 Samuel 7:1
    View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
    1And it came to pass when the king sat in his house, and the Lord had given him rest on every side from all his enemies,
    Genesis 18:14
    View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
    14Is there any thing hard to God? According to appointment I will return to thee at this same time, life accompanying, and Sara shall have a son.
    Exodus 13:22
    View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
    22There never failed the pillar of the cloud by day, nor the pillar of fire by night, before the people.

    2 Responses to “Ang Pagpapahayag ng Anghel kay Maria”

    1. dami ko natutunan thanks po verymuch

    2. You are welcome Paula.

    Trackbacks/Pingbacks

    Leave a Reply

    You will be able to edit your comment after submitting.