11-MarthaAndMary

"Ang nakikinig sa inyo" sabi ng Panginoon, "ay sa akin nakikinig, ang nagtatakwil sa inyo ay nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin. (Luke 10:16)" Sa salaysay tungkol kay Marta at Maria, ay nagbigay si Lukas ng isang halimbawa ng tamang pagtanggap sa mga isinugo ng Panginoon. Ayon sa Panginoon, mas maganda na ang isang may dala ng Magandang Balita ay tanggapin sa pamamagitan ng pakikinig gayong hindi naman masama kung sila’y paghandaan ng pagkain at maiinom.

Ang Teksto ng Lukas 10:38-42

38 Habang sila ay naglalakbay1, pumasok siya sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap sa tahanan nina Marta 39 at ng kapatid niyang si Maria. Naupo ito sa may paanan ng Panginoon upang makinig sa kanyang itinuturo. 40 Si Marta naman ay abalang-abala sa paghahanda, kaya’t lumapit siya kay Jesus at dumaing, "Panginoon, bale-wala po ba sa inyo na pinababayaan ako ng kapatid kong maghanda nang nagiisa? Sabihan nga po ninyo siyang tulungan naman ako."

41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, "Marta, Marta, nababalisa ka at abalang-abala sa maraming bagay, 42 ngunit iisa lamang ang talagang kailangan. Mas mabuti ang pinili ni Maria at ito’y hindi aalisin sa kanya."

Mga Tanong Tungkol sa Teksto

  1. Saan papunta si Jesus nang siya’y tumuloy sa isang nayon?
  2. Mayroon ba siyang tinuluyan doon?
  3. Kaninong bahay ang kanyang tinuluyan?
  4. Mayroon pa bang impormasyon tungkol kay Marta at Maria?
  5. Ano ang tawag kay Jesus sa salaysay na ito?
  6. Ang gamit ba ng "Panginoon" dito ay tulad sa "Mister" o kaya’y "Manong/Kuya"?
  7. Nang pumasok ang Panginoon sa bahay, siya ba ay inestima ng magkapatid?
  8. Ano ang ginawa ni Maria?
  9. Ano ang ginawa ni Marta?
  10. Sa tagpo ng Pagbabagong-Anyo, ang tinig sa ulap matapos itukoy si Jesus ay nagsabing "Pakinggan ninyo siya". Tama ba ang ginawa ni Maria sa kanyang pakikinig sa Panginoon?
  11. Tama rin ba na pagka-abalahan ni Marta ang paninilbihan sa Panginoon?
  12. Tama ba na iwan ni Maria si Marta sa trabaho?
  13. Ano ang sinabi ng Panginoon kay Marta?
  14. Ang magulumihanan at maging abala ba ay nakakatulong sa buhay Kristiyano?
  15. Ano ang mas mabuti na pinili ni Maria?
  16. Ibig bang sabihin nito’y masama ang pinili ni Marta?

Para sa mas malalim na pag-unawa

1. Si Marta at Maria ay kilala nating mga kapatid ni Lazaro mula sa ebanghelyo ni Juan (Juan 11). Sila’y mga taga-Betania, isang lugar na malapit sa Jerusalem. Sa salaysay ni Lukas, mas maigi na hindi bigyan ng pansin ang mga impormasyong ito tungkol sa dalawa. Una, dahil sa pagkakasulat ni Lukas ay hindi niya binanggit ang ngalan ng nayon na pinasok ni Jesus; ikalawa, ay ipinakilala niya ang magkapatid na babae na para bang hindi sila kilala ni Jesus. Mas maigi kung ituturing na lamang ang mga babaeng ito na mga tauhan sa isang salaysay tungkol sa pagtanggap ng Panginoon.

2. Ang salitang "Panginoon" dito ay hindi maaaring katumbas ng "Mister" o "Manong/Kuya". Ito’y dahil sa talata 41, ang "Panginoon" ay ginamit na suheto ng pangungusap. Sa madaling sabi, ang salitang "Panginoon" dito ay katumbas ng pagkakagamit nito sa Lukas 1:43, "aking Panginoon."

3. Ang paninilbihan ni Marta ay ipinahiwatig sa mga salitang Griyego: diakonia at diakonein. Ang mga salitang ito ay ginamit sa mga Gawa ng mga Apostol upang ipahiwatig ang uri ng paninilbihan sa Iglesya. Basahin ang lathalaing ito para sa mga talata kung saan ginamit ang dalawang salitang nabanggit.

Luke 10:16
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg Greek
16He that heareth you, heareth me; and he that despiseth you, despiseth me; and he that despiseth me, despiseth him that sent me.


  1. Pansinin ang "sila" dito at ang sumusunod na "siya". Ang kwento tungkol kay Maria at Marta bahagi ng isang tradisyon na isiningit dito ni Lukas. Ang pariralang "habang sila ay naglalakbay" ay tinatawag na "redaksyonal" — isinulat ito upang maikonekta ang kwento sa tema ng "Daan Patungong Jerusalem."

Leave a Reply

*

AWSOM Powered