Ayon kay Lukas, hindi lamang ang Labindalawa kungdi pati na rin ang Pitumpu’t dalawa ay binuo ni Jesus. Kaya nga bukod pa sa 12 na binubuo ng mga apostol ay mayroon pang 72 na mga alagad na kanyang isinugong pumunta sa mga lugar na dadalawin niya. Ito ang mga katulong ng mga apostol sa pagpapahayag ng mabuting balita. 72 ang bilang dahil ito ang bilang ng mga bansa sa listahang matatagpuan sa Genesis 10 (base sa LXX). Sa madaling sabi, 72 ang isinugo na magdala ng mabuting balita sa lahat ng mga bansa. Sila ang mga misyonero na isinugong dalhin ang Kapayapaang si Kristo lamang ang maaaring magbigay at ipahayag ang paglapit ng paghahari ng Diyos.

Ang Teksto ng Lukas 10:1-20

Para sa ika-14 na Linggo, ang babasahin mula sa ebanghelyo ayon kay Lukas ay may mahaba at maiksing bersyon. Ang mahabang pagbasa ay binubuo ng Lukas 10:1-12.17-20 at ang maiksi naman ay binubuo ng Lukas 10:1-9. Ang tekstong sumusunod ay mula sa Lukas 10:1-20. Ang mga nilaktawang talata sa liturhiya ay ipinapakita sa ibang kaanyuan.

1 Pagkatapos nito, pumili ang Panginoon ng pitumpu’t dalawa. a Sila ay isinugo niya nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na pupuntahan niya. 2 Sinabi niya sa kanila, "Napakarami ng aanihin ngunit kakaunti ang mga mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala siya ng mga mag-aani. 3 Sige pumunta na kayo! Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mababangis na asong-gubat. 4 Huwag kayong magdala ng lalagyan ng pera, bag, o sandalyas. Huwag na kayong makikipagbatian kaninuman sa daan. 5 Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ 6 Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, tatanggapin nila ang kapayapaan ninyo; ngunit kung hindi, babalik sa inyo ang inyong kapayapaan. 7 Makituloy kayo sa bahay na iyan at huwag kayong magpapalipat-lipat ng tinutuluyan. Kainin ninyo at inumin ang anumang ihain sa inyo sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng sweldo. 8 Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo. 9 Pagalingin ninyo ang mga maysakit at sabihin sa mga tagaroon, ‘Malapit na kayong pagharian ng Diyos.’ 10 Ngunit kung hindi kayo tanggapin sa isang bayan, pumunta kayo sa mga lansangan nito at sabihin, 11 ‘Pati ang alikabok ng inyong bayan na dumikit sa aming mga paa ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo. Ngunit pakatandaan ninyo, nabigyan na kayo ng pagkakataong mapagharian ng Diyos!’ 12 Sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang parusang igagawad sa mga mamamayan ng bayang iyon kaysa sa parusang dinanas ng mga taga-Sodoma!"

13 "Kawawa kayo mga taga-Corazin! Kawawa kayo mga taga-Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sanang nagdamit ng sako at naupo sa abo ang mga tagaroon bilang tanda ng kanilang pagsisisi. 14 Sa Araw ng Paghuhukom, higit na mabigat ang kaparusahan ninyo kaysa sa kaparusahan sa mga taga-Tiro at taga-Sidon. 15 At kayong mga taga-Capernaum, maaaring itaas ninyo ang inyong sarili hanggang sa langit ngunit ibabagsak kayo hanggang sa daigdig ng mga patay.

16 "Ang nakikinig sa inyo ay sa akin nakikinig, ang nagtatakwil sa inyo ay nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin."

17 Masayang-masayang bumalik ang pitumpu’t dalawa. Iniulat nila sa Panginoon, "Kahit po ang mga demonyo ay sumusuko sa amin dahil po sa kapangyarihan ng inyong pangalan."

18 Sinabi sa kanila ni Jesus, "Nakita kong parang kidlat na nahulog si Satanas mula sa langit. 19 Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway; at walang makakapanakit sa inyo. 20 Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasuko ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil sa nakatala sa langit ang inyong mga pangalan."

Mga Tanong Tungkol sa Teksto

  1. Ilan ang isinugo ng Panginoon? Isa-isa ba silang isinugo? Saan sila isinugo?
  2. Ano ang ipinahihiwatig ng pitumpu’t dalawa?
  3. Ano ang ani na binanggit ni Jesus? Ang trabaho ba ng pitumpu’t dalawa ay may kaugnayan sa pag-aani? Ano ang ipinahihiwatig ng ani sa Bagong Tipan?
  4. Ang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat ba ay maganda ang ipinahihiwatig? Ano ang mangyayari kung ang mga tupa ay mapapagitna sa mga asong-gubat? Ang kalagayang ito ba ay may kaugnayan sa sa mga alagad?
  5. Ano ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa kanyang mga alagad: sila ba ay mainit na tatanggapin ng mundo?
  6. Sa kanilang paghayo, marami bang dala-dala ang mga alagad? Anu-ano ang ipinadadala sa kanila ng Panginoon?
  7. Sa daan, ang mga alagad ba ay dapat makipagkumustahan sa kung sino? Ano ang dahilan at hindi sila dapat magtagal sa daan?
  8. Ano ang dapat gawin ng mga alagad kung sila’y tatanggapin sa isang bahay? Paano naman kung sila’y hindi tatanggapin?
  9. Kung tatanggapin ang mga alagad, dapat ba silang magpalipat-lipat ng bahay? Dapat ba silang tumanggap ng tulong? Ang pagbibigay ba ng donasyon sa mga alagad ay masama? May karapatan ba sa "sweldo" ang mga alagad?
  10. Ang hindi pagtanggap sa mga alagad ba ay laban kay Jesus at sa kalooban ng Ama?
  11. Nang bumalik ang mga alagad, maganda ba ang balitang dala-dala nila? Nahirapan ba sila sa mga demonyo? Ano, ayon kay Jesus, ang dahilan at ang mga demonyo ay natatalo ng mga alagad? Sino ang talagang tumalo sa demonyo? Kailan nangyari ito?
  12. Kanino nanggaling ang kapangyarihan ng mga alagad.
  13. Ang kagalakan ba ng mga alagad ay dapat na magmula sa pagkakatalo ng mga demonyo?

Para Sa Mas Malalim na Pag-unawa

1. Sa ibang mga Bibliya, sinasabing "pitumpu" lamang ang isinugo ng Panginoon. Ang mga Bibliyang ito ay nakabase sa King James Version. Ang karamihan ng mga modernong Bibliya — kahit Protestante — ay "pitumpu’t dalawa" ang nakalagay. Ang bilang ng 72 ay nagmula sa saling Griyego (LXX), Genesis 10.

2. Isinugo ng dala-dalawa ang mga alagad sapagka’t ito ang minimong bilang ng mga kasapi sa isang pamilya. Ang mga alagad ay tinawag upang maging kasapi ng isang sambahayan; sila’y isinusugo rin bilang isang sambahayan. Basahin din ang mga sumusunod na talata

  • Ecclesiastes 4:9-12; Romans 15:14 — dala-dalawa upang magtulungan kapag nalulungkot o nahihirapan
  • Ecclesiastes 4:9-10; 12:9-10; Galatians 6:1 — dala-dalawa para may bubuhat sa isa kung sakaling madapa
  • Romans 15:1-5; Galatians 6:2 — dala-dalawa para magbigayan ng lakas ng loob
  • Matthew 18:19 — para sa panalangin
  • Ecclesiastes 4:12; Deuteronomy 32:30 — para sa proteksyon
  • Dt. 17:6; 19:15; Matthew 18:16 — tulung sa paghahayag

3. Ipinagbawal ang pakikipagbatian sa daan dahil sa mga Judio inaabot ito ng matagal. Ipinagbawal din ito ni Eliseo sa kanyang utusan (basahin 2 Kgs 4:29 at konteksto )

4. Ang tuluyan ng misyonero sa isang lugar ay isang tahanan lamang. Ito ay para magkaroon sila ng "sentro" ng kanilang apostolado sa lugar na iyon. Sa mga Gawa ay makikita ang halimbawa ni Pablo na may isang tirahan sa bawa’t lugar nilang pinupuntahan.

5. Ang ekspresyong "nakasulat ang inyong mga pangalan sa langit" ay nangangahulugang ang mga alagad mismo ay makakatayo sa harapan ng Diyos.

Ecclesiastes 4:9-12
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
9It is better therefore that two should be together, than one: for they have the advantage of their society:
10If one fall he shall be supported by the other: woe to him that is alone, for when he falleth, he hath none to lift him up.
11And if two lie together, they shall warm one another: how shall one alone be warmed?
12And if a man prevail against one, two shall withstand him: a threefold cord is not easily broken.
Romans 15:14
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg Greek
14And I myself also, my brethren, am assured of you, that you also are full of love, replenished with all knowledge, so that you are able to admonish one another.
Ecclesiastes 4:9-10; 12:9-10
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
49It is better therefore that two should be together, than one: for they have the advantage of their society:
10If one fall he shall be supported by the other: woe to him that is alone, for when he falleth, he hath none to lift him up.
129And whereas Ecclesiastes was very wise, he taught the people, and declared the things that he had done: and seeking out, he set forth many parables.
10He sought profitable words, and wrote words most right, and full of truth.
Galatians 6:1
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg Greek
1Brethren, and if a man be overtaken in any fault, you, who are spiritual, instruct such a one in the spirit of meekness, considering thyself, lest thou also be tempted.
Romans 15:1-5
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg Greek
1Now we that are stronger, ought to bear the infirmities of the weak, and not to please ourselves.
2Let every one of you please his neighbour unto good, to edification.
3For Christ did not please himself, but as it is written: The reproaches of them that reproached thee, fell upon me.
4For what things soever were written, were written for our learning: that through patience and the comfort of the scriptures, we might have hope.
5Now the God of patience and of comfort grant you to be of one mind one towards another, according to Jesus Christ:
Galatians 6:2
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg Greek
2Bear ye one another's burdens; and so you shall fulfill the law of Christ.
Matthew 18:19
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg Greek
19Again I say to you, that if two of you shall consent upon earth, concerning any thing whatsoever they shall ask, it shall be done to them by my Father who is in heaven.
Ecclesiastes 4:12
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
12And if a man prevail against one, two shall withstand him: a threefold cord is not easily broken.
Deuteronomy 32:30
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
30How should one pursue after a thousand, and two chase ten thousand? Was it not, because their God had sold them, and the Lord had shut them up?
Matthew 18:16
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg Greek
16And if he will not hear thee, take with thee one or two more: that in the mouth of two or three witnesses every word may stand.

Leave a Reply

*

AWSOM Powered