Sulat sa mga taga-Roma 1-8
Balangkas ng Sulat
- Pagbati/Address 1:1-7
- PasasalaMatthew 1:8-15
- Katawan ng Sulat
- Ang Ebanghelyo ng Kaligtasan sa Pananampalataya kay Kristo 1:16-8:39
- Ang Kalagayan ng mga Judio 9-11
- Ang Tungkuling Kristiyano 12:1-15:13
- Pagtatapos
- Ang mga gawa ni Pablo at mga gagawin pa 15:14-33
- Bilin tungkol kay Phoebe 16:1-2
- Pagbati sa mga kilala ni Pablo sa Roma 16:3-16
- Bilin tungkol sa mga nanggugulo 16:17-20
- Pagbati mula sa Korinto 16:21-24
- Pangwakas na Papuri 16:25-27
Ang Katawan ng Sulat ni Pablo sa mga Taga-Roma ay may tatlong bahagi. Sa 1:16-8:39 ay ipinapaliwanag niya ang kaligtasang ginawa ng Diyos kay Kristo Jesus. Ang mga kabanata 9 – 11 naman ay ang pagninilay ni Pablo sa kalagayan ng mga Judio na hindi tumanggap sa ebanghelyo. Ang huling mga kabanata (12:1-15:3) ay mga praktikal na payo sa pamumuhay Kristiyano. Ating bibigyan ng diin ang unang bahagi upang mas lalo nating maunawaan ang turo ni Pablo tungkol sa Batas ni Moyses at ang biyaya ng Diyos na ipinakita kay Kristo na nabasa na natin sa sulat sa mga taga-Galacia.
Balangkas ng Sulat sa mga taga-Roma 1-8
- Ang lahat ng tao — Judio man o Hentil — ay nasa ilalim ng galit ng Diyos pagka’t silang lahat ay nagkasala. Dahil dito silang lahat ay patungo sa kamatayan
- Thesis: Ang taong matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya (Ab. 2:4) 1:16-17
- Lahat ay nagkasala at dapat na mamatay 1:18-3:20
- Nguni’t ipinakilala ng Diyos ang kanyang Katarungan/Katuwiran (dikaiosyne) sa pamamagitan ni Kristo
- Ang Katarungan/Katuwiran ng Diyos at Pananampalataya 3:21-31
- Si AbrahAmos 4:1-17
- Ang Pananampalataya ni Abraham at ng Kristiyano 4:18-25
- Ang Pagwawalang-sala sa Dugo ni Kristo 5:1-8:39
- Inihandog ni Kristo ang kanyang buhay para sa atin nang tayo’y mga kaaway pa ng DiyHosea 5:1-19
- Nang tayo’y binyagan, namatay na tayo sa kasalanan at sa Batas
- Thesis: Kung paanong ang kasalanan ay naghari sa kamatayan, gayun di’y sa kagandahang-loob ng Diyos ay naghari ang buhay sa pamamagitan ni Kristo 5:20-21
- Sa ating binyag, nakiisa tayo sa kamatayan ni Kristo:
- Malaya na tayo sa kasalanan na walang dulot kungdi kamatayan 6:1-23
- Malaya na rin tayo sa Batas na walang kakayahang ibigay ang kapangyarihang tumalima sa kalooban ng DiyHosea 7:1-25
- Sa ating binyag ay ibinuhos sa atin ang Espiritu upang magsimula tayo mamuhay ayon sa Katuwiran (dikaiosyne), at bilang mga Anak ng DiyHosea 8:1-27
- Pagwawakas: Ang Malaking Pag-ibig ng Diyos sa Atin 8:28-39
Mga Dapat Bigyan ng Pansin
- Sa sulat na ito ay ginamit ni Pablo ang “diatribe”, isang estilo ng retorika na kung saan ang isang ideya ay binibigyan ng linaw sa pamamagitan ng tanong-sagot. Makikita ito, halimbawa, sa tanong-sagot sa 6:1-3; 6:15
- Ang mga salitang “laman” at “espiritu” ay kadalasang inuunawa na para bang mga bahagi ito ng tao: “laman” ay katulad ng “katawan” at mga pita nito, samantalang ang “espiritu” naman ay tulad ng “kaluluwa”. Sa totoo, ang mga ito ay nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng buhay: ang “laman” ay papalayo sa Diyos (= ang hindi pagtalima sa Diyos), samantalang ang “espiritu” ay patungo sa Diyos (= pagtalima sa Diyos).
- Ang salitang Griyego na “dikaiosyne” ay maraming katumbas sa Tagalog. Maaari itong isalin ng “katuwiran” (pagiging matuwid — tingnan ang Ab 2:4 — , hindi ang “katuwiran” na sa Inggles ay “reason”) o “katarungan” o “pagwawalang-sala” (“justify”, “to pronounce ‘not guilty’”) o “kawalang-sala”. Sa sulat sa mga taga-Roma, ang katarungan ng Diyos ay ang kanyang awa sa tao na ipinakita niya sa paghahandog ng kanyang bugtong na Anak sa krus.
- Ang sulat sa mga taga-Roma 1-8 ay ating binabasa sa Kapistahan ng Pentekostes na sa mga Judio ay kapistahan ng pagbibigay sa kanila ng Batas ni Moyses. Para sa mga Kristiyano, ang Pentekostes ay pagdiriwang ng pagbibigay ng Banal na Espiritu. Ang magkaibang kahulugan ng Pentekostes para sa mga Judio at mga Kristiyano ay nagpapakita rin ng pagkakaiba ng prospektiba ng mga pananampalatayang ito tungkol sa Handog ng Diyos sa tao.
Mga Dapat Gawin
1. Pag-aralang muli ang sulat sa mga taga-Galacia at ihambing ang mga nilalaman nito sa Roma 1-8
- ano ang kahalagahan ng Batas ni Moyses sa kasaysayan ng kaligtasan?
- ano ang kalayaan ng Kristiyano?
- anong mga halimbawa ang ginamit ni Pablo para ipaliwanag na ang Batas ni Moyses ay hindi kailangan para sa kaligtasan?
2. Pumili ng isang tema sa mga sumusunod at maging handang ipaliwanag ito sa klase (isulat muna sa papel ang temang napili upang kung hindi man maipaliwanag sa klase ay mai-sa-submit naman sa akin):
(a) Ang bautismo ayon sa Roma 1-8
(b) Ang kahulugan ng Krus ni Kristo para sa kasaysayan ng kaligtasan ayon sa sulat sa mga taga-Galacia at Roma 1-8
(c) Ang pag-gamit ni Pablo ng mga sitas mula sa Lumang Tipan sa sulat sa mga taga-Galacia
(d) Ang pag-gamit ni Pablo ng mga sitas mula sa Lumang Tipan sa sulat sa mga taga-Roma 1-8
*Mahalaga: Sa mga letrang c at d kailangang
- Gumawa ng listahan ng mga sitas ng LT na ginamit ni Pablo
- Ipaliwanag ang mga ito sa kanilang konteksto
- Ipaliwanag kung paanong ginamit ni Pablo ang mga ito sa pagpapaliwanag
Tags: bec advanced, mga sulat, pablo



