Maghahasik

Ang Panginoon ang magsasakang naghasik ng mga binhi, nguni’t silang may mga pusong tulad ng matabang lupa lamang ang tumanggap ng kanyang mga binhi at nagpatubo ng mga iyon. Hindi lahat ng nakarinig ng Salita ng Diyos ay maaaring ituring na matabang lupa. Maaari kasing nakarinig nga nguni’t hindi naman inunawa. O kaya’y narinig nga at naunawaan, nguni’t hindi naman isinagawa. Silang mga nakarinig, nakaunawa at gumawa — sila ang namumunga. At alam natin na ang mga bunga ang ikinalulugod ng Ama (tingnan, Juan 15: 8.16)

Ang Teksto

1 Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. 2 Dahil sa dami ng taong lumalapit sa kanya, sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Tumayo naman sa dalampasigan ang mga tao 3 at sila’y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinhaga. Ganito ang sinabi niya:

“May isang magsasakang lumabas upang maghasik. 4 Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. 5 May mga binhi namang nalaglag sa mabatong lupa. Dahil manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang mga binhi, 6 ngunit natuyo agad ang mga ito nang mabilad sa matinding init ng araw, palibhasa’y mababaw ang ugat. 7 May mga binhi namang nalaglag sa may matitinik na halaman. Lumago ang mga halamang ito at sinakal ang mga binhing tumubo doon. 8 Ngunit ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu. 9 Makinig ang may pandinig!”

Dalawa ang teksto na ipinapabasa sa ika-15 Linggo ng Panahong May-Bilang. Ang maiksing pagbasa na makikita rito at ang mahabang pagbasa na umaabot hanggang t. 23 ng Mateo 13. Upang mas mabuting maunawaan ang pagbasa tungkol sa Talinghaga ng Manghahasik, basahin ang Mateo 13:1-23.

Mga Tanong Tungkol sa Teksto

  1. Nasaan si Jesus sa salaysay na ito?
  2. Saan siya sumakay?
  3. Ano ang kanyang itinuro?
  4. Tungkol sa ano ang unang talinghaga?
  5. Ano ang ginawa ng isang magsasaka?
  6. Saan nalaglag ang kanyang inihasik?
  7. Ano ang nangyari sa mga nalaglag sa tabing-daan?
  8. Ano ang nangyari sa mga nalaglag sa mabatong lupa?
  9. Ano ang nangyari sa mga nalaglag sa lupang may mga matitinik na halaman?
  10. Ano ang nangyari sa mga nalaglag sa matabang lupa?
  11. Ano ang kahulugan ng talinghagang ito? Saang talata matatagpuan ang paliwanag tungkol dito?
  12. Kanino ipinaliwanag ni Jesus ang talinghaga ng maghahasik?
  13. Ayon kay Jesus, hindi ba kailangang ipaliwanag ang talinghaga sa lahat?
  14. Si Jesus ba ay may karapatang piliin kung kanino niya ipapaalam ang mga sikreto ng kaharian? Saang talata sinasabi ni Jesus na dapat lamang na piliin niya ang kanyang pagsasabihan ng mga sikreto ng kaharian? Ito ba ay kagustuhan ng Ama sa langit?
  15. Dapat bang matuwa ang sinumang pinili ni Jesus upang marinig ang paliwanag tungkol sa kanyang mga talinghaga?

Para Sa Mas Malalim na Pag-unawa

1. Pansinin ang istruktura ng Mateo 13:1-23

Talinghaga

Sa pag-unawa ng teksto, basahing magkakasama ang mga talatang magkakatapat:

  • ang tungkol sa talinghaga (1-9.18-23)
  • ang pribilehiyo ng mga alagad (11-12.16-17)

Ang mga talata sa gitna — ang tungkol sa pagsasalita ni Jesus ng patalinghaga sa karamihan — ay hinalaw mula sa Isaiah 6:9-10. Ang mga talata sa aklat ng Isaias ang “background” ng mga talata sa Mateo 13, 13-15.

2. Ang pribilehiyo ng mga alagad na malaman ang mga sikreto ng kaharian ay mauunawaan sa mga talatang nauna, Mateo 11:25-27.

3. Ang mga binhing inihasik ay nalaglag sa apat na uri ng lupa. Sa matabang lupa lamang ito namunga. Kung uunawain ito sa liwanag ng pribilehiyong meron ang mga alagad sa mga mata ng Panginoon, ang ika-apat na uri ng lupa ay simbolo ng mga alagad na nakikinig sa mga salita ng Panginoon at ginagawa ito. Tingnan ang mga sinabi ng Panginoon sa Mateo 7:21-27

Isaiah 6:9-10
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
9And he said: Go, and thou shalt say to this people: Hearing, hear, and understand not: and see the vision, and know it not.
10Blind the heart of this people, and make their ears heavy, and shut their eyes: lest they see with their eyes, and hear with their ears, and understand with their heart, and be converted and I heal them.

Leave a Reply

*

AWSOM Powered