Ang mga kataga sa Juan 3:16-18 ay mga talatang dapat unawain sa loob ng konteksto na binubuo ng Juan 3:11-21. Dito ay ipinapaliwanag ni Jesus kay Nicodemo ang saloobin ng Diyos tungkol sa misteryo ng kaligtasan. Ang mga katagang ito ay katulad ng winika ni San Pablo sa mga taga-Roma:
Ang Teksto
16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan niya.
18 Hindi hinahatulang maparusahan ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos.
Mga Tanong Tungkol sa Teksto
- Sino ang nagsasalita sa mga talatang ito?
- Kanino sinabi ang mga talatang ito?
- Ano ang dahilan at ibinigay ng Diyos ang Kanyang Kaisa-isang Anak?
- May kaugnayan ba ang pagbibigay ng Diyos ng kanyang Kaisa-isang Anak sa pagkamatay nito sa Krus? 1
- Ano ang ninais ng Diyos na matanggap ng sangkatauhan?
- Paano ito matatangap?
- Kung hindi paghatol ang intensyon ng Diyos sa sangkatauhan, ano ang nais Niya para sa kanila?
- Mapaparusahan pa ba ang sasampalataya sa Anak?
- Paano ipinakikita ang pagsampalataya sa Anak?2
- Ano ang mangyayari sa mga ayaw manampalataya sa Anak ng Diyos?
Para Sa Mas Malalim na Pag-unawa
1. Nag-uumpisa ang talata 16 sa “Sapagka’t”. Ano ang ipinapaliwanag sa mga talatang ito? 3
2. Ang mga talata ng Juan 3:16-18 ay matatagpuan sa pag-uusap ni Jesus at ni Nicodemo. Basahin ang kabuuan ng Juan 3.
3. Ang katagang “buhay na walang hanggan” ay matatagpuan sa mga sumusunod na talata. Basahin ang bawa’t isa:
- 3,15.16.36;
- 4,14.36
- 5,24.39
- 6,27.40.47.54.68
- 10,28
- 12,25.50
- 17,3
Sa mga katagang ito, paano matatanggap kay Jesus ang “buhay na walang hanggan”?



