Email This Page Email This Page
angfrayle on February 4th, 2010

Ang Lukas 6:17-49 ay kinikilala sa tawag na “Sermon on the Plain”. Ito’y mas maiksi kesa sa “Sermon on the Mount” na matatagpuan sa Mateo 5-7. Kapwa tungkol sa buhay ng mga alagad ang mga “sermon” na ito. Samantalang sa ebanghelyo ni Mateo ang “sermon” ay para sa mga tao, sa ebanghelyo ni Lukas, ang “sermon” ay para sa mga alagad. Para sa ika-anim na Linggo ng Panahong May Bilang, binabasa ang unang bahagi ng sermon. Ang mga talata 20-26 ay maaaring tawaging “Ang Mga Mapalad at mga Kaawa-awang Alagad”. Upang maunawaang mabuti ang mga talatang babasahin sa liturhiya, basahin ang buong Lukas 6:17-49, at pagkatapos ay unawain sa loob ng kontekstong ito ang tt. 20-26.

Ang Teksto

17 Pagbaba ni Jesus kasama ang mga apostol, nadatnan nila sa isang patag na lugar ang marami sa kanyang mga alagad, kasama ang napakaraming taong buhat sa Judea, Jerusalem, at mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. 18 Pumaroon sila upang makinig, at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling nga sila ni Jesus, pati na rin ang mga pinapahirapan ng masasamang espiritu. 19 Sinisikap ng lahat ng maysakit na makahawak man lamang sa kanya, sapagkat may kapangyarihan siyang nagpapagaling ng lahat ng karamdaman.

20 Tumingin si Jesus sa mga alagad, at sinabi,

“Mapalad kayong mga mahihirap,
sapagkat kayo’y paghaharian ng Diyos!

21 “Mapalad kayong mga nagugutom ngayon,
sapagkat kayo’y bubusugin ng Diyos!
“Mapalad kayong mga tumatangis ngayon,
sapagkat kayo’y bibigyang kagalakan!

22 “Mapalad kayo kung dahil sa inyong pagsunod sa Anak ng Tao ay kinapopootan kayo, ipinagtatabuyan at nilalait ng mga tao, at pinagbibintangang kayo ay masama. 23 Magalak kayo at tumalon sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.

24 “Ngunit kahabag-habag kayong mga mayayaman ngayon,
sapagkat natamasa na ninyo ang kaginhawahan.

25 “Kahabag-habag kayong mga busog ngayon,
sapagkat kayo’y magugutom!
“Kahabag-habag kayong mga tumatawa ngayon,
sapagkat kayo’y magdadalamhati at magsisitangis!

26 “Kahabag-habag kayo, kung kayo’y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga huwad na propeta.”

Mga Katanungan Tungkol sa Teksto

  1. Saan nanggaling si Jesus nang dumating siya sa patag na lugar? Sino ang kanyang mga kasama? Sinu-sino ang kanyang mga dinatnan? Lahat ba ng nanduon ay kanyang mga alagad? Saan-saan nanggaling ang mga taong nanduon? Ano ang kanilang pakay? Saan nagmumula ang kapangyarihan ni Jesus na nakagagaling?
  2. Kanino sinabi ni Jesus ang mga nasa talata 20-26?
  3. Ano ang kahulugan ng pagtingin ni Jesus? Mayroon bang kaugnayan ang kanyang pagtingin sa pagpili ng mga alagad?
  4. Sinu-sino ang mga tinawag ni Jesus na “mapalad”? Ano ang ibig sabihin ng salitang ito sa bibig ni Jesus?
  5. Sinu-sino naman ang mga tinatawag na kahabag-habag? Bakit sila kahabag-habag?
  6. Bakit dapat na tumalon sa tuwa ang mga sumusunod sa Anak ng Tao?
  7. Mayroon bang katulad sa ibang bahagi ng ebanghelyo ni Lukas ang mga sinasabi niya sa talata 20-26?

Para Sa Mas Malalim na Pag-unawa

1. Ihambing ang Lukas 6:17-26 sa Mateo 5:1-12. Anu-ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba?

2. Basahin din ang sumusunod na lathalain:

Mark 8:33
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg Greek
33Who turning about and seeing his disciples, threatened Peter, saying: Go behind me, Satan, because thou savorest not the things that are of God, but that are of men.

Leave a Reply

You will be able to edit your comment after submitting.