Email This Page Email This Page
angfrayle on June 29th, 2009

Ang salaysay ng pagbabalik ng mga isinugong misyonero ay panimula lamang para sa pagpapakain ng limang-libo. Mapapansin agad na nais ng Iglesya na ituon ang ating mga mata sa kondisyon ng isang bansa na parang “mga tupang walang pastol” sa liwanag ng propesiya ni Jeremias tungkol sa pastol na ipinangangako ng Diyos. Ang propesiya ay nagkaroon ng kaganapan kay Hesus. Nang makita ni Hesus ang madla, siya’y naawa pagka’t sa tingin niya’y para silang mga tupang walang pastol.

Ang Teksto

Ang sumusunod na salin ay mula sa Bagong Magandang Balita Bibliya ng http://angbiblia.net. Pagkatapos gawan ng daloy ng mga parirala ang iyong salin, ihambing ang iyong salin sa sumusunod.

30 Bumalik kay Jesus ang mga apostol at iniulat nila sa kanya ang lahat ng kanilang ginawa at itinuro. 31 Subalit napakaraming taong dumarating at umaalis, at hindi na nila makuhang kumain. Kaya’t sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Magpunta tayo sa isang lugar na kung saan maaari tayong makapagsarilinan, at upang makapagpahinga kayo nang kaunti.” 32 Umalis nga silang sakay ng isang bangka, at nagpunta sa isang ilang na lugar.

33 Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakaalam kung saan sila pupunta. Kaya’t ang mga tao mula sa lahat ng bayan ay patakbong pumunta sa lugar na iyon at naunahan pa nila sila Jesus. 34 Pagbaba ni Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol, kaya’t sila’y tinuruan niya ng maraming bagay.

Mga Tanong Tungkol Sa Teksto

  1. Saan galing ang mga apostol? Ano ang laman ng kanilang ulat kay Hesus?
  2. Sa palagay mo ba’y may kaugnayan ang pagdating ng mga apostol sa pagdating ng maraming tao? Ipaliwanag ang iyong sagot.
  3. Nais ba ni Hesus na magtrabaho agad pagdating ng mga alagad? Ano ang kanyang utos sa mga alagad?
  4. Saan pumunta si Hesus at mga alagad? Wala bang tao sa kanilang pinuntahan?
  5. Ano ang ginawa ng madla nang makita nilang umalis si Hesus?
  6. Nakapagpahinga ba si Hesus at ang kanyang mga kasama?
  7. Ano ang tingin ni Hesus sa mga taong pumunta sa kanya?
  8. Ano ang ibig sabihin ng talatang “mga tupang walang pastol”?
  9. Nagpagaling ba si Hesus? Nagpalayas ba siya ng demonyo? Ano ang kanyang ginawa?

Para sa mas malalim na pag-unawa

1. Basahin ang lathalaing sumusunod tungkol

2. Mapapansin na ang mga talata ng Markos 6:30-34 ay ipinagpapatuloy sa salaysay ng pagpapakain ng limang-libo. Ang pagtuturo ni Hesus ay sinundan ng pagpapakain. Ito ay katulad ng ating Misa na kung saan ang liturhiya ng Salita ay sinusundan ng liturghiya ng Eukaristiya.

3. Balikan ang mga talata sa Markos tungkol sa pagpili ng labindalawa at ang pagsusugo sa kanila. Pansinin na sinabihan ni Jesus ang mga hinirang na alagad na sila’y gagawin niyang mamamalakaya ng tao (Anong talata ito?).

4. Ihambing ang Markos 6:30-34 sa mga katulad nito sa Mateo (14:13-21) at Lukas (9:10-17). Anu-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba?

5. Alamin kung ano ang “pastol” sa Lumang Tipan. Ang mga “pastol” ba ay lider na pang-relihiyon lamang?

2 Responses to “Mga Tupang Walang Pastol (Markos 6:30-34)”

  1. ang gaganda po ng mga nakalagay sa front ng sambuhay, gusto lang po malaman kung totoo ung mga kwentong iyon… ako poy humahanga sa akin nababasa..sana po tuloy tuloy pa po hmmmm..
    ako po ay simpleng studyante lang po na patuloy na nakikinig sa salita ng Diyos..salamat po

  2. Malamang, inday.

Trackbacks/Pingbacks

Leave a Reply

You will be able to edit your comment after submitting.