Email This Page Email This Page
angfrayle on August 23rd, 2008

Ang Iglesya ay sakramento ng pakikipagkasundo. Dito ay natatanggap ang kapatawarang napanalunan ng Panginoon sa kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay. Hindi ba’t ang Panginoon na mismo ang nagbigay ng gawain ng pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kanyang mga apostoles? Sa talata ng Mateo 18:15-20 ay matatagpuan ang proseso ng pakikipagkasundo. May tatlong hakbang sa prosesong ito na nagsisimula sa biktima ng pagkakasala ng iba, sa dalawa o tatlong testigo at pagkatapos ay sa Iglesya mismo. Sinasabi ng mga bihasa na ang prosesong ito ay ibinase sa isang kasabihan ng Panginoon na matatagpuan ngayon sa Lukas 17:3

kung magkasala ang iyong kapatid,
sawayin mo siya;
at kung siya’y magsisi,
patawarin mo siya

Madaling patawarin ang kapatid na nagsisisi. Nguni’t paano kung hindi siya magsisi? Ang prosesong may tatlong hakbang ang tugon ni Mateo.

Ang Teksto

Gawan ng "sentence flow" ang Mateo 18:15-20 na makikita sa iyong salin. Pagkatapos, ay ihambing ang tekstong ito na halaw sa Ang Bibliya. Ang mga salitang kinulayan sa pula ay hindi tama ang pagkakasalin. Ihambing ang mga pariralang ito sa mga saling moderno.

15 At kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo,
pumaroon ka,
at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa:
kung ikaw ay pakinggan niya,
ay nagwagi ka sa iyong kapatid.
16 Datapuwa’t kung hindi ka niya pakinggan,
ay magsama ka pa ng isa o dalawa,
upang sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa’t salita.
17 At kung ayaw niyang pakinggan sila,
ay sabihin mo sa iglesia:
at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia,
ay ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at maniningil ng buwis.
18 Katotohanang sinasabi ko sa inyo,
na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit:
at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
19 Muling sinasabi ko sa inyo,
na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin,
ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit.
20 Sapagka’t kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan,
ay naroroon ako sa gitna nila

Pansinin ang mga sumusunod

1. Basahin ang mga talatang nakapaligid sa tt. 15-20 at alamin kung ano ang mga tema nito. Tingnan kung ano ang kaugnayan ng mga talatang 15-17 sa tupang naligaw (tt. 11-14) at sa pagpapatawad (tt. 21-35)

2. Ang talata 18 (pagtatali-pagkalag) ay binanggit muna sa Mateo 16:13-19. Ano sa palagay mo ang kaugnayan ng Mateo 18:18 sa Mateo 16:19? Sino ang "inyo" na tinutukoy sa talata 18? Ipakita sa teksto ang pruweba ng iyong sagot.

3. Ang talata 19-20 ay tungkol sa pagtitipon ng mga alagad. Ano ang isa pang salita para sa katipunan ng mga nananampalataya kay Kristo? Ano ang kaugnayan ng tt. 19-20 sa mga tt. 15-18?

Para sa malalimang pag-aaral ng teksto

1. Basahin ang mga artikulong sumusunod:

Regaining A Brother Who Has Strayed
Sunday Thoughts: The Church as Agent of Reconciliation
The Work of Reconciliation
Fraternal Correction, True Love and Reconciliation

2. Tingnan din kung ano ang sinasabi ng Catechism of the Catholic Church tungkol sa tt. 15-20.

One Response to “Paano Kung Ayaw Makipagkasundo?”

Trackbacks/Pingbacks

  1. A List of New Pages

Leave a Reply

You will be able to edit your comment after submitting.