Email This Page Email This Page
angfrayle on September 10th, 2009

Kung saan may mga grupo ng tao, kailangang may pamunuan. At kung may pamunuan, siguradong may politika. Kung maririnig mo ang salitang “politika” ano ang unang pumapasok sa iyong isip?

Nang mag-umpisang umakyat si Jesus patungong Jerusalem, inisip ng mga alagad na uumpisahan na niya ang inaasahang pagpapalaya ng mga Judio mula sa kapangyarihan ng Imperyo Romano. Sa pagkakataong iyon ay ipinasya ng magkapatid na Juan at Santiago na hilingin kay Jesus ang pribilehiyong umupo sa kanyang magkabilang tabi pagluklok niya sa trono ng isang Mesiyas. Katulad ni Pedro, inaakala ni Juan at Santiago na si Jesus ang Mesiyas na kanilang inaasam-asam. Mula sa pag-uusap ni Jesus at mga anak ni Zebedeo ay magkakaroon ng pagkakataon si Jesus na ipaalalang muli sa mga alagad ang uri ng buhay — pati na politika — na dapat na makita sa kanila.

Ang Teksto

1. Basahin ang Markos 10:35-45 ngunit alamin din kung saan naganap ang mga pag-uusap ni Hesus at mga alagad. Nasaan si Jesus at ang mga alagad? Ano ang kanilang ginagawa nang lumapit ang magkapatid? Ano ang nararamdaman ng mga kasama ni Hesus? Ilang grupo sila?

2. Kung titingnan ang konteksto ng salaysay makikitang nag-uumpisa ito sa tt. 32 at matatapos sa tt. 45. Sa tt. 46 ay nasa Jericho na sila, isang panibagong tagpo.

3. Paano hahatiin ang salaysay? Anong kriterya ang gagamitin?

4. Anong mga salita ni Jesus ang maaaring tandaan at gamitin para sa buhay Kristiyano?

Mga Tanong Tungkol sa Teksto

  1. Sino ang mga anak ni Zebedeo? Kailan sila unang nakita ni Jesus? Sila ba’y mayaman o mahirap?
  2. Bakit sila lumapit kay Jesus? Ano ang kanilang pakay?
  3. Paano isinasalarawan ng mga ebanghelista ang magkapatid na ito?

  4. Ano ang kahulugan ng “kapag pumasok ka na sa iyong kaluwalhatian?” Ito ba’y kaluwalhatian ng muling Pagkabuhay? O ito ang kaluwalhatian ng isang punong-rebelde na iluluklok na hari?
  5. Tinugon ba agad ni Jesus ang hiling ng magkapatid?
  6. Ano ang kanyang sinabi sa kanila tungkol sa kanilang hiling?
  7. Ano ang sarong binabanggit ni Jesus? Ito ba ay may lamang matamis? Gaano ito kapait. Ito rin ba ang sarong babanggitin ni Jesus sa hardin ng Getsemane?
  8. Hindi ba’t nabautismuhan na si Jesus? Meron bang nangyari sa araw ng kanyang bautismo na nagbabadya ng kanyang kamatayan? Ano iyon?
  9. Makakaya ba ng magkapatid ang sinasabi ni Jesus na pag-inom sa kanyang saro at maranasan ang kanyang bautismo?
  10. Umayon ba si Jesus sa kanilang tugon?

  11. Nasa kapangyarihan ba ni Jesus ang ibigay ang kanilang hinihingi?
  12. Nang malaman ng mga alagad ang ginawa ng magkapatid, nasiyahan ba sila? Ano ang kanilang naramdaman? Ano sa palagay mo ang dahilan ng kanilang reaksyon?
  13. Ayon kay Jesus, dapat bang gayahin ng mga alagad ang buhay politika ng mga Hentil? Mga Hentil lamang ba ang may politika ng kapangyarihan at lakas?
  14. Ayon kay Jesus, ano dapat ang modelo ng pamunuan na dapat manaig sa kanyang grupo?
  15. Meron bang simbolong iniwan si Jesus ng modelo ng pamunuang ito?
  16. Ano ang ibig sabihin ni Jesus sa pagkakabanggit ng “pangtubos ng marami?” Ibig bang sabihi’y hindi para sa lahat ang kanyang pagtutubos? Anong pang-tubos ang kanyang binabanggit dito?

Para sa mas malalim na pag-unawa ng teksto

1. Basahin ang tt. 32-34. Ano ang sinabi ni Jesus dito? Ang sinabi ba ni Jesus sa mga talatang ito ay may kaugnayan sa mga talata ng 35-45? Anong kaugnayan iyon?

2. Balikan ang iyong nalalaman tungkol sa bautismong tinanggap ni Jesus kay Juan Bautista at alamin kung anong kaganapan sa araw na iyon ang nagbabadya ng paghihirap at kamatayan ni Jesus.

3. Basahin ang mga sumusunod na talata tungkol sa sarong ipapainom ng Diyos sa araw ng paghuhukom:

  • Sal. 75,9
  • Ger. 51:7
  • Lam. 4:21
  • Ezekiel 23:31

Sabi sa isang awitin sa pelikulang Jesus Christ Superstar: “Look at all my trials ang tribulation, sinking in a gentle pool of wine…”. Ano ayon sa Jesus Christ Superstar ang ibig sabihin ng sarong iinumin ni Jesus? Ayon sa mga talatang ibinigay sa itaas, tama ba ang Jesus Christ Superstar??

4. Ihambing ang mga talatang ito sa salaysay sa Markos 9:30-37. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba?

Ezekiel 23:31
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
31Thou hast walked in the way of thy sister, and I will give her cup into thy hand.

Leave a Reply

You will be able to edit your comment after submitting.