Sa unang Linggo ng Adbiyento (Taon C) muling ipinapaalala sa atin ang mga dapat nating gawin habang hinihintay ang pagdating ng Panginoon. Ang panahon ng Adbiyento ay inilaan ng Iglesya para sa pagsasanay sa paghihintay sa Panginoon. Kung paanong ang manlalaro ng basketball ay mayroong panahong inilalaan sa pagsasanay upang lalong mapagaling ang kanilang paglalaro, gayun di’y nagsasanay ang Iglesya sa buhay ng paghihintay sa tatlong pagdating ng Panginoon.
Ang Adbiyento ay paghahanda para sa pagdiriwang ng unang pagdating ng Panginoon, nang sa gayo’y lalong mag-init ang pagnanasa ng mga binyagan sa kanyang Huling Pagdating. Ang pagsasanay sa ganitong paghihintay ay mahalaga, sa kadahilanang ang Panginoon ay dumadalaw din araw-araw sa mga maliliit at nangangailangan. Kung ang binyagan ay nasanay sa paghihintay sa Panginoon, malamang ay hindi niya ito makikalala kung Siya’y darating sa mga taong nangangailangan. “Ang anumang hindi mo ginawa sa mga maliliit kong kapatid ay hindi mo rin ginawa sa akin,” sasabihin Niya sa mga hindi nakakilala sa Kanya.
Ang Teksto ng Ebanghelyo
Ang teksto ng Lukas 21:25-36 ay ang bersyon ni Lukas ng Markos 13: 24-31 na binasa nuong ika 33 Linggo ng Panahong May-Bilang. Tingnan ang pinaghambing na teksto ng mga talatang nabanggit sa pahinang ito. Pansinin ang mga talatang kulay pula.
- Lukas 21:26.28
- Lukas 21:31
- Lukas 21:34-36
Mapapansin na halos magkapareho ang mga talata sa Markos at Lukas. Nguni’t may mga binago si Lukas. Tingnan ang mga listahan ng talatang nasa ibaba.
Mga Tanong Tungkol sa Teksto
- Kailan mangyayari ang mga kaganapang binabanggit ni Hesus?
- Nasaan si Hesus nang sabihin niya ang mga salitang ito? Sino ang kanyang mga kausap? Ano ang nagbigay sa kanya ng okasyon upang sabihin ang mga bagay na ito?
- Anong mga tanda ang makikita sa langit, lupa at dagat? Ano ang mararamdaman ng mga tao?
- Kapag ang mga palatandaang ng panahong iyon ay nararanasan na, ano dapat ang iisipin ng mga alagad? Sila ba’y dapat matakot? Ano ang dapat nilang gawin?
- Sa mga araw ng paghihintay sa Panginoon, ano dapat ang gagawin ng mga alagad?
- Ano ang pag-iingatan?
- Ano ang dahilan ng panalangin sa mga araw na ito?
Para sa mas malalim na pag-unawa
1. Ang Markos 13:32-37 ay hindi na inulit ni Lukas sa kadahilanang mayroon na siyang mga katulad na talata sa ibang bahagi ng kanyang ebanghelyo. Basahin ang mga sumusunod na talata at unawain sa kinapapaloobang konteksto:
- Lukas 19: 12-13
- Lukas 12: 35-40
2. Mapapansin na imbes na “Siya (ang Panginoon) ay malapit na”, ang isinulat ni Lukas ay “ang kaharian ng Diyos ay nalalapit na” (t. 31). Ang “kaharian ng Diyos” mahalagang konsepto para kay Lukas. Basahin ang mga talata kung saan matatagpuan ito:
- Lukas 1:33; 4:43; 6:20: 7:28; 8:1.10;
- Lukas 9:2.11.27.60.62;10:9. 11;
- Lukas 11:2.17.18;20; 12:31.32;
- Lukas 13:18.20.28.29;
- Lukas 14:15;16:16; 17:20.21;
- Lukas 18:16.17.24.25.29;
- Lukas 19:11.12.15;
- Lukas 21:10.31;22:16.18.29.30;
- Lukas 23:42.51
- Mga Gawa 1:3; 1:6; 8:12; 14:22
- Mga Gawa 19:8; 20:25; 28:23; 28:31
3. Mapapansin din na sa liturhiya ay nilaktawan ang mga talata kung saan matatagpuan ang aral mula sa puno ng igos. Sa palagay mo, mayroon bang nagkulang sa mensahe ng ebanghelyo sa pagkalaktaw sa mga nasabing talata? Ano iyon?




Leave a Reply