Email This Page Email This Page
angfrayle on November 25th, 2008

02advientoB2-sm Sa ikalawang Linggo ng Adbiyento, ipinapakita sa atin ng Simbahan ang larawan ni Juan Bautista. Siya na naghanda ng daan para sa pagdating ng Panginoon. Ang Simbahan ay katulad ni Juan Bautista dahil para sa Ikalawang Pagdating ng Panginoon, ang Simbahan ang inaatasang magbigay ng bautismo na nakapagpapatawad ng mga kasalanan. Ang kanyang misyon — ang ebanghelisasyon — ang katumbas ng ginawang paghahanda ni Juan Bautista para sa pagpapatuwid ng daan ng Panginoon.

Ang Teksto

1Ito ang pasimula ng ebanghelyo patungkol kay Jesucristo, ang Anak ng Diyos.

2Ito ang nasusulat sa aklat ng mga propeta: Narito, isusugo ko ang aking sugo na mauuna sa inyo. Siya ang maghahanda sa harap mo ng iyong daraanan. 3May isang tinig ng isang sumisigaw sa ilang. Sinabi niya: Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.

4Si Juan ay dumating na nagbabawtismo sa ilang. Ipinapangaral niya ang bawtismo ng pagsisisi para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. 5Pumunta sa kaniya ang lahat ng mga taga-Judea at lahat ng mga taga-Jerusalem. Inihahayag nila ang kanilang mga kasalanan, at lahat sila ay binawtismuhan ni Juan sa ilog ng Jordan. 6Ang damit ni Juan ay yari sa balahibo ng kamelyo, at sa baywang niya ay may pamigkis na katad. Balang at pulut-pukyutan ang kaniyang kinakain. 7Kaniyang ipinapangaral ang ganito: Ang sumusunod sa hulihan ko ay higit na makapangyarihan kaysa sa akin. Hindi ako karapat-dapat yumukod at magkalag ng tali ng kaniyang mga panyapak. 8Binabawtismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babawtismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu.

Pag-aaral ng Teksto

  1. Sa base ng Daloy ng Parirala (Sentence Flow) na iyong ginawa para sa teksto ng Markos (1:1-8), ano ang mga bahaging bumubuo dito?
  2. Ang sinasabing sitas mula kay Isaias ay binubuo ng dalawang sitas, isa mula kay Isaiah 40:3 at isa naman ay mula kay Malakias 3:1. Ano ang sinasabi ng mga sitas na ito tungkol sa trabaho ni Juan Bautista?
  3. Saan nagmumula ang mga taong pumupunta kay Juan? Sa iyong naaalala tungkol sa mga gawa ni Kristo, saan nagmumula ang mga kumikilala sa kanya?
  4. Ano ang kaayusan ni Juan? Siya ba’y matatawag na “normal”?
  5. Ano ang laman ng pahayag ni Juan?

Para sa mas malalim na pag-unawa ng teksto

  1. Saliksikin ang mga sumusunod
    • ang damit na yari sa buhok ng kamelyo at ang sinturon. Bakit kinailangang banggitin ito ni Markos? Sino pa ba ang propetang ganito rin ang ayos?
    • ang pagkain ng pulot at balang. Ang balang ba’y hindi kinakain ng ordinaryong tao? Ano ang simbolismo ng pulot-pukyutan sa Bibliya?
  2. Basahing mabuti ang nakasulat tungkol sa gawi ni Juan. Ano ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod
    • ang bautismo para sa pagpapatawad ng kasalanan
    • ang mga taong nagpahayag (homologein) ng kanilang mga kasalanan
    • ang bautismo sa Banal na Espiritu (kailan ginawa ito ni Kristo?)
Isaiah 40:3
View in: NAB NIV KJV NJB Vulg LXX Hebrew
3The voice of one crying in the desert: Prepare ye the way of the Lord, make straight in the wilderness the paths of our God.

Leave a Reply

You will be able to edit your comment after submitting.