
Para sa mga nakaranas na ng Parish Renewal Experience (PREX) ang salaysayin sa Mateo 16:13-19 ay ipinapaliwanag sa Ikalawang Panayam ("Sino Ako Ayon Sa Mga Tao?"). Sa panayam na iyon ay ipinakikilala si Pedro bilang isa sa mga pinakamahalagang kasapi ng Pamilyang Katolika. Bukod dito, ay binanggit din ang mahalagang papel ni Pedro bilang "Bato" na kinasasandigan ng Iglesya. "Ikaw ang Bato (Cephas)" ani Hesus, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking Iglesya."
Ang Teksto
Ang Matthew 16:13-19 ay dapat ihambing sa orihinal na salaysay na matatagpuan sa Mark 8:27-30 upang mapansin ang mensaheng nais ipaabot ni Mateo. Ang sumusunod na salin ay mula sa "Salita ng Diyos". Ihambing din ito sa TPV na ginagamit para sa misang Tagalog.
13Nang makarating si Jesus sa mga lupain ng Cesarea Filipo, tinanong niya ang kaniyang mga alagad. Sinabi niya: Ayon sa sinasabi ng mga tao, sino raw ba ako na Anak ng Tao?
14Sinabi nila:Ang sabi ng iba: Si Juan na tagapagbawtismo. Ang sabi ng ilan: Si Elias. At ang iba ay nagsabing ikaw si Jeremias, o isa sa mga propeta.15Sinabi niya sa kanila: Ngunit ayon sa inyo sino ako?
16Sumagot si Simon Pedro: Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na buhay.
17Sinabi ni Jesus sa kaniya:Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas sapagkat hindi ito ipinahayag sa iyo ng laman at dugo kundi ng aking Ama na nasa langit. 18At sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw ay Pedro (Aramaico: Kepha). Sa ibabaw ng batong (Aramaico: kepha) ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades. 19Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng paghahari ng langit. Anuman ang iyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
Pansinin ang mga sumusunod
- Sa Matthew 16:18-19 ay makikitang may isiningit si Mateo tungkol sa magiging ministeryo ni Pedro para sa Iglesya: sya ang magiging Batong sandigan ng pananampalataya ng sambahayan ni Hesus.
- Ang susi ng kaharian na binanggit ni Hesus ay ang susi ng mayordomo ng hari. Alamin kung ano ang uri ng kapangyarihan na nasa likod ng susi ng mayordomo sa Isaiah 22:19
Malapitang Pag-aaral ng Teksto
- Bakit tinawag na mapalad si Simon?
- Salliksikin ang mga sumusunod
- ang lugar: Cesarea Filipo
- Mapalad
- Ang pangalan ni Pedro sa mga sulat ni Pablo
- ang ekspresyong: "talian at kalagin"
- Subukang sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
- Ano ang meron sa Cesarea Filipo na nagbibigay tingkad sa katanungan ni Hesus tungkol sa pagkilala sa kanya ng mga alagad?
- Ano ang pruweba na mali ang sinasabi ng ilan na dito ang "bato" ay si Kristo?
- Sabihin kung ano ang pagkakaiba sa kahulugan ng mga pariralang sumusunod
- sa iglesyang ito ay hindi makapananaig ang mga tarangkahan ng Hades
- sa batong ito ay hindi makapananaig ang mga tarangkahan ng Hades
- Base sa iyong pag-aaral ng teksto, alin sa palagay mo ang mas naaayon sa talata ni Mateo?
- Ano ang sinasabi ng Katekismo tungkol sa kaugnayan ng mga talatang ito sa Papa at sa mga obispo?


One Response to “Si Pedrong Bato”
Trackbacks/Pingbacks
Leave a Reply